THE PSYCHO'S RETALIATION

19 2 0
                                    

Prologue

“Giving death threats to my family is fine, but actually killing them? You just made a big mistake.”

••••

"Good morning, Ma'am," bati ng guard nang makapasok ako sa building.

Ngitian ko lang siya at tinanguan. Sunod-sunod na rin akong binabati ng mga empleyado.

Sumakay ako sa elevator, mabuti nalang at ako lang mag-isa. Nilabas ko ang cellphone mula sa bag. I frown when I didn't recieved any messages from him. Kahapon pa siya hindi nagpaparamdam sa akin.

I'm starting to worry.

Bumukas ang elevator kaya binalik ko na sa bag ang cellphone saka lumabas. Dumiretso ako sa office nina Dad at Mom.

Papasok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang secretary ko, si Jolie.

"Good morning, Miss Khenzie," bati niya at bahagyang yumuko.

"Good morning, Jol," bati ko pabalik saka pumasok pero hindi ko pa nasasara ang pinto ay lumingon ulit ako sa kanya. "Where's Mom and Dad?"

"Nasa meeting po silang dalawa ngayon, mamaya pa siguro matatapos," sagot niya.

I smiled and nod. "Thank you."

Ngumiti siya sa akin saka bumalik na sa cubicle niya.

Sinara ko na ang pinto at nilapag sa sofa ang bag. Kinuha ko uli ang cellphone at napagdesisyonan na tawagan siya.

Sana naman sumagot na. I miss him already.

Muntik na akong mawalan ng pag-asa kung hindi lang niya nasagot sa pang-limang ring.

"Hello? Where are you? Why aren't you answering my calls? Pinuntahan kita sa condo mo pero umalis ka raw sabi ng neighbor mo. May problema ba?" sunod-sunod kong tanong.

Ilang segundo ang dumaan bago siya nagsalita.

["I'm sorry, Mackhenzie."] Iyon lang ang sinabi niya at pinatay ang tawag.

Nagtaka naman ako dahil sa ginawa niya. Bakit siya nagso-sorry, eh, wala naman siyang ginawang kasalanan? Unless he cheated on me at may kabit siya?

No, hindi siya gano'n. He never entertained girls kahit na sila na mismo ang lumalapit sa kanya.

Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero out of coverage na. Pinatay niya ata ang cellphone.

I was about to sit down ng bigla akong makarinig ng putok ng baril. Sunod-sunod rin ang mga sigawan.

Iniwan ko sa table ang cellphone saka lumabas. Nakita ko si Jolie na tumatakbo papunta sa akin.

"M-Miss K-Khenzie!" Tumigil siya sa harap ko. "S-Si.. S-Sina.." Nauunahan siya ng pag-iyak kaya hindi siya makapagsalita ng maayos.

Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at pilit siyang pinapakalma.

"Breathe, Jolie, breathe," utos ko. "Breathe in, breathe out."

Nang medyo kumalma na siya ay pinunasan niya ang kanyang luha.

"Sina Ma'am Melina at Sir Jarrick po binaril."

Nanlaki ang mata ko at napanganga. "What?!"

Tumakbo ako papunta sa conference room at nakitang pinagkakaguluhan ito sa labas. Hindi ako makapasok kaya hindi ko napigilang sumigaw.

"Get out of my way!" Parang dagat silang nahiwalay. Agad akong pumasok at biglang nanlambot ng makita ang mga magulang ko na nakahiga sa sahig, unti-unting naliligo sa sarili nilang dugo.

"M-Mom.." Lumapit ako at lumuhod sa harap nilang dalawa. "D-Dad.."

Parang tubig na umagos ang mga luha ko. Umiling ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak saka gumapang para mas lumapit sa kanila.

Niyugyog ko ang balikat ni Dad at paulit-ulit siyang tinatawag.

"D-Dad, gising. Come on, Dad, wake up! That's not funny! Dad!" Ang mahinang pagyugyog sa balikat niya ay naging marahas. Binitawan ko siya at binalingan si Mom. Binangon ko siya at niyakap. "Mom, wake up. Kung prank man 'to, itinigil niyo na. M-Mom, please!"

Nilingon ko ang mga taong nagkukumpulan sa pinto. "Can someone fvcking call an ambulance?!"

"We already did, Miss Khenzie. Papunta na raw sila," mabilis at natatarantang sagot ni Jolie.

Paulit-ulit ko silang ginigising pero ni isa sa kanila ay hindi gumalaw. Mas lalo akong napaiyak dahil alam kong patay na sila.

My parents are dead.

Ilang minuto ang lumipas at sa wakas ay dumating na rin ang ambulansya, kasama ang mga pulis.

Tumayo ako at hinayaan silang asikasuhin ang mga magulang ko. Out of instinct, bigla akong napatingin sa labas ng malaking glass wall.

I squinted my eyes because I thought I saw a man on top of the building beside ours.

Parang biglang umatras ang luha ko at nanlaki ang mga mata ng makumpirmang may lalaki nga at may hawak siyang baril na nakatutok dito. Hindi ko siya mamukaan dahil sa layo niya.

Dahan-dahan akong umatras at biglang napayuko ng marinig ang putok ng baril. Nabasag ang malaking glass wall dahil do'n. Nagsigawan naman ang mga tao. Tumayo ako at agad na tumakbo palabas.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta malayo dito.

Sigurado akong kung sino man 'yon, siya rin ang pumatay sa mga magulang ko.

Lalabas na sana ako ng building nang makasalubong ko ang lalaking hinahanap ko. Tumakbo ako sa kanya at niyakap siya.

"Thank goodness you're here, you gotta help me! My life is in danger!" taranta kong saad saka humiwalay sa yakap.

Malamig siyang tumingin sa akin pero unti-unting ngumisi na nagpadala ng kilabot sa buo kong katawan.

"Hello, Mackhenzie Zanders."

THE PSYCHO'S RETALIATION (Collaboration with Siecheys)Where stories live. Discover now