CHAPTER 1

16 2 0
                                    

THE STRANGER

Khenzie's POV

Loud music blast from the speakers. People dance on stage like there's no tomorrow. Everyone is having fun and I should too because starting tomorrow, my life is gonna change.

Tahimik lang akong nakaupo habang umiinom ng champagne. Busy naman sa pagsasaya sina Sebelle, Dos, at Blaire na sumasayaw at kumakanta.

We're currently at the VIP room of The Haven Bar. Pagmamay-ari ito ng pinsan ni Blaire. Pero kahit nasa loob kami ng VIP room, nakikita pa rin namin ang nangyayari sa labas.

The VIP rooms are on the second floor and has a glass window that is tinted from the outside.

"Hoy, Khen, halika nga dito!" Napatingin ako kay Dos ng tawagin niya ako.

"Bakit?" Binaba ko sa mesa ang shot glass.

"Anong bakit? Hindi tayo pumunta dito para magmukmok ka lang d'yan at solohin ang alak!" Si Blaire ang sumagot at lumapit sa akin.

I crossed my arms. "What do you want me to do, then?"

"Have fun, Mackhenzie!" Hindi na ako nakapalag ng hilahin ako ni Blaire papunta sa dalawa.

"I'm good, girls. Okay na akong manood nalang," sabi ko at pilit na binabawi ang braso mula sa pagkakahawak ni Blaire.

"Uh-uh-uh, no. You agreed to have fun tonight because tomorrow, things will be different in your life," iling ni Sebelle saka inakbayan ako. "So, come on! Let's party!"

Maybe I should stop worrying about tomorrow. Iyon lang naman talaga ang dahilan kung bakit ako nagsosolo sa upuan. Being a CEO is not an easy job and I'm afraid that I won't be good as my parents.

But they're right, I should have fun. Hindi pa naman ako ang CEO so I should stop worrying too much. I'll worry about it tomorrow.

Ngumiti ako at sinabayan sila sa pagsasaya. Lumapit ako sa mesa at kinuha ang bote ng alak. I drank straight from it before turning back to them.

"Let's go downstairs! It's more fun!" aya ko at agad naman silang nagsitanguhan.

Kanya-kanya sila ng kuha ng mga bote ng alak at sabay kaming lumabas ng VIP room. The music grew louder as we got walk down the stairs. Colorful lights, the smell of liquor, and loud music greeted us.

Nagkatinginan kaming apat at tumango sa isa't isa.

"Party!"

••••

I groaned and roll to the side which is a bad idea because I fell from the bed. Dumaing ako saka dahan-dahang umupo sa sahig.

I can feel the heat of the sunlight on my face. Looks like I forgot to close the curtains last night. Heck, I couldn't even remember how I got home.

And my head is pounding! Mukhang naparami ang alak ko kagabi.

Sabi nila "have fun", eh.

Narinig kong may kumatok sa pinto, kasunod nito ang boses ng isa sa aming maid.

"Madam Khenzie, gising na po. Pinapatawag ka na po nina Señorita at Señorito para mag-almusal," sabi niya at kumatok ulit. "Madam?"

"Y-Yeah, I'm awake. Maliligo muna ako, Yaya," sagot ko at binuksan ang mga mata.

"Sige po, Madam." Sunod kong narinig ang papaalis niyang yabag.

Ilang minuto pa akong nanatili sa ganoong posisyon bago nagpasyang maligo. Tumayo na ako saka naglakad papuntang bathroom.

THE PSYCHO'S RETALIATION (Collaboration with Siecheys)Where stories live. Discover now