CHAPTER 4

15 1 0
                                    

NAGASAKI

Khenzie's POV

Dalawang araw na ang lumipas at dalawang araw ko na ring hindi nakikita si Lloid. Kating-kati na akong magtanong because I want to know the truth.

Umabot na nga sa puntong muntik ko na siyang tawagan. Good thing I snapped out of it because that would be too unprofessional. Hindi naman pwedeng i-confront ko siya nang dahil lang doon.

Malalim akong bumuntong-hininga at binalik sa laptop ang atensyon. Linggo ngayon pero imbes na mag-relax ay heto ako at nagta-trabaho.

Mom and Dad aren't here. Umalis sila para magsimba at pagkatapos ay magde-date.

Sana lahat, 'di ba?

Magsisimba naman ako mamaya tapos diretso uwi dahil wala naman akong ka-date. Hindi ko alam kung sasama 'yong dalawa, wala kasi silang paramdam mula pa kahapon. Hindi ko rin alam kung nakauwi na ba si Dos.

Napa-angat ako ng tingin nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako at pinagbuksan kung sino man iyon. Agad na tumaas ang kilay ko nang bumungad sa akin si Dos na may dala pang maleta.

Speaking of the devil.

"Ginagawa mo dito? Kailan ka pa nakauwi?" tanong ko at pinasadahan siya ng tingin.

"Can I crash here? Pinalayas ako sa bahay," walang emosyon niyang sagot at dire-diretsong pumasok.

"What? Pinalayas ka ni Tita Sixth?" Lumapit ako sa kanya.

"Kidding." Ngumiti siya pero alam kong peke ito. Binitawan niya ang maleta at humiga sa kama.

Tumabi ako sa kanya. "Anong nangyari, Dos?"

Natahimik ang kwarto ng ilang minuto. Akala ko hindi na siya sasagot at nakatulog kaya tumayo na ako para tapusin ang ginagawa, pero bigla siyang nagsalita.

"I apologize to him," sabi niya at bumangon. "He accepted it at sinabing naka-move on na siya. Kasama niya pa nga ang fiancee niya." She sighed heavily and looked at me. "I should be happy, right? Pero bakit parang hindi ko 'yon naramdaman?"

Bumuntong-hininga ako. "Dos.." Bumalik ako sa table at pinagpatuloy ang ginagawang trabaho kanina. "Tawagan mo ang dalawa, sa kanila muna humingi ng words of wisdom. Naubusan ako ngayon dahil dito sa ginagawa ko—aray!" Natigilan ako at inis siyang nilingon. "What the hell?!" Binato lang naman niya ako ng unan. Bruha talaga.

"Seryoso ako, Khen!" she whined.

"Seryoso rin ako! Wala pa akong masasabi ngayon na mga words of wisdom," sagot ko at tinalikuran siya. "Bibigyan kita kapag may naisip na ako mamaya. Matulog ka muna d'yan, alam kong may jetlag ka pa."

Hindi siya sumagot. I just heard her groan and silence followed next.

Mabilis kong natapos ang tinatrabaho dahil nakapag-focus ako. Niligpit ko na ang mga gamit at handa na sanang dumapa sa kama nang maalalang nakahiga nga pala rito si Dos.

I sat beside her and move her hair away that's covering her face.

I guess Dos really liked Julius back then, she just didn't want to say it. Dahil siguro sa pagiging playgirl niya noon kaya ayaw niyang mag-seryoso sa isang relasyon.

THE PSYCHO'S RETALIATION (Collaboration with Siecheys)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang