CHAPTER 2

11 2 0
                                    

NEW CEO

Khenzie's POV

Our attention diverted to the main door. Bigla nalang kasi itong bumukas na parang sinipa at bumungad sa amin si Dos. Akala mo may kaaway sa kanto dahil sa suot niyang malaking itim na t-shirt na nakatupi ang parehong manggas at jogging pants.

"Hoy, 'yong pinto! Dahan-dahan naman!" singhal ko.

Inismiran lang niya ako at umupo sa tabi ni Blaire na kumakain ng popcorn. Nanonood kasi kami ng movie nang bigla siyang dumating.

"Ginagawa mo dito? At bakit parang bad mood ka?" tanong ni Sebelle.

"Si Mama," ngiwi ni Dos. "Pinagalitan ako kanina dahil umuwi raw akong lasing kagabi tapos gusto niyang magsuot ako ng dress para sa event mamaya."

"Ano namang masama sa dress?" tanong ni Blaire sabay nguya.

Dos looked at her boredly. "Nakita mo na ba akong nagsuot ng dress, ha?"

"Oo, no'ng baby ka pa. Dress kaya ang suot mo sa binyag noon," sagot ni Blaire.

"That's not counted," inis na sabi ni Dos at inagaw ang bowl ng popcorn. Napaawang nalang ang bibig ni Blaire pero hindi na niya kinuha pabalik ang bowl.

Pinatay ko ang TV at hinarap sila.

"It doesn't matter kung ano ang susuotin mo mamaya. What's important is that you'll be there."

"Of course, I will," sagot ni Dos at tumayo saka tumabi sa akin. Niyakap niya ako pero agad rin akong lumayo.

Tinakpan ko ang sariling ilong. "Naligo ka ba? Ba't ang baho mo?"

"Hindi pa, nakalimutan ko kanina dahil sa inis kay Mama. Pahiram ng towel, dito nalang ako maliligo," sabi niya at nilapag sa mini table ang bowl. Agad siyang tumayo at naglakad paakyat ng hagdan nang may maalala ako.

"Doon ka sa guest room maligo, nandoon sa cabinet na katabi ng bintana ang mga gamit mo."

She waved her hand without looking at me. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Ganyan sila ka-feel at home dito, may mga gamit at kwartong pwedeng tulugan.

I'm an only child kaya siguro nangungulila sa ibang bata sina Mom. She can't bear another child because of her health issues. Wala rin silang mga pamangkin dahil pareho sila ni Dad na only child. My grandparents on my mother's side are dead five years ago. While my grandparents on my father's side are in England, taking a vacation.

"Gutom na kayo?" tanong ko ng mapansin ang oras sa wall clock.

It's already 11:30 AM. Hindi na namin namalayan ang oras.

"Khen, we're literally eating," sagot ni Blaire saka tinaas ang bowl ng popcorn at minuwestra pa ang ibang pagkain sa mini table.

"But that's not lunch, Blaire. We stil have to eat proper food," irap ko.

"Paglulutuan mo ba kami, Madam Khenzie?" Sebelle teased and nudge my shoulder.

THE PSYCHO'S RETALIATION (Collaboration with Siecheys)Where stories live. Discover now