CHAPTER 3

14 1 0
                                    

HER INVESTOR

Khenzie's POV

I smiled while watching him sign some papers. Kahit na may pagdududa ay hinayaan ko siyang mag-invest sa kompanya ko.

Sinong hindi magdududa na isang bagong kompanya ay mag-iinvest sa isang malaking kompanya? Kahit na sabihin nating nasa 3rd rank ang kompanya niya, still not enough reason why he want to invest.

My parents already warned me about the dark side of business that's why I never let my guard down. Malay ko ba kung ano ang ginawa niya para makamit ang posisyon niya ngayon.

Binigay ko kay Jolie ang folder matapos niyang pumirma. Yumuko lamang ang secretary ko at walang salitang lumabas ng opisina.

"Thank you for investing, Mr. Nagasaki." Pasasalamat ko at inilahad ang kamay.

Kinuha niya naman ito. "My pleasure. And please, call me Lloid. Nagmumukha akong matanda kapag tinatawag akong gano'n," he chuckled. "Besides, magka-edad lang naman tayo."

Magsasalita na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan muna ang caller ID.

Doserie calling..

"I'm sorry, I have to take this call," paumanhin ko.

Maliit siyang ngumiti at miniwestra ang kamay. "Sure, go ahead."

I swiped the green button to the right and press the phone to my ear. Tumayo naman si Lloid at humarap sa malaking glass window, looking at the whole city.

"Hello?" bungad ko at tumalikod.

["Yes, Mackhenzie?"]

"Dos? Ba't ka tumatawag?"

["Oh, you need to see me right now?"]

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "What? No."

["Alright, I'm on my way."]

"What's happening, Dos?"

["I'm sorry—I really need to go. This is important. Maybe next time? Yeah? Alright, bye!"]

Halos hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa pagtataka. Ano ba'ng nangyayari? Parang may kausap siyang iba.

["Hoo! Nakalayo na rin. Hello, Mackhenzie? Nand'yan ka pa ba?"]

"Ano 'yon, Doserie Jane? May tinatakbuhan ka? Are you in trouble?" sunod-sunod kong tanong.

["Mackhenzie! Alam mong ayaw kong naririnig ang full name ko!"] Hula ko, nakasimangot 'to. Ayaw na ayaw niyang marinig ang full name niya kasi hindi raw cool pakinggan.

"Alright. Ano ba kasi ang nangyayari?"

["I'm in Paris at hulaan mo kung sino ang nakasalubong ko."]

"‘Wag ka nang pa-suspense pa, sabihin mo na kung sino,"  irap ko kahit hindi naman niya nakikita.

["Si Julius!"]

Nanlaki ang mata ko at bahagyang umawang ang bibig. "Siya 'yung kinakausap mo kanina?"

Julius is Dos’ ex. They went into a relationship when we were in first year college and broke up in the second year. What's the reason? Dos was caught kissing a guy.

She's a playgirl in our school before.

["Oo! Tangina, naka-move on na ba siya? Ang casual niyang kumausap sa akin kanina tapos ako parang nahihiya! Like, what the fvck?!"]

THE PSYCHO'S RETALIATION (Collaboration with Siecheys)Where stories live. Discover now