Chapter 6

504 42 3
                                    

SECRET HAVEN


CHAPTER 6

ELLORA

________________________________________________


SA SOBRANG BWISIT ko kay Sorin ay natapos ko ng dalawang araw lang iyong dinala niyang trabaho. Sa normal na pagkakataon, mga tatlo o apat na araw kong trabaho iyon. Pero dahil naiinis ako ay hindi ko na namamalayan ang oras. Idagdag pa na wala sila Jelay dito sa condo.


"Sobrang tahimik naman." it's friday afternoon. Dumungaw ako sa labas. Sobrang tindi ng sikat ng araw at tila hindi advisable na lumabas.


"Tapos ay magkakasama pa kami ng bwisit na iyon sa Beijing by next two weeks from now?! Nakakairita!"


Isipin ko palang iyong ngisi ni Sorin ay naiirita na ako. Oo at guwapo siya, matangkad, maganda ang katawan at masarap humalik pero hindi pa rin maaalis ang katotohanan na napaamin niya ako ng walang kahirap-hirap. I didn't know that it was really possible for someone to forget what they did when drunk. Ako kasi, kahit gaano kalasing ay natatandaan ko naman iyong mga ginawa ko. Pero siya...


Instead of thinking about that boy...


"Ugh! Nakakairita talaga!"


Boy. He's just a boy! He just turned twenty one while I am twenty four! At nag-aaral pa! I can't believe I gave myself to some totoy. Samantalang ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako papatol sa mas bata sa akin kahit na isang buwan lang.


Sa sobrang inip ko, nilinis ko ang buong condo. Mag aalas seis na ng hapon nang matapos ako at kung hindi pa ako ginutom ay hindi ko mamamalayan ang oras. Hindi na rin naman masakit ang paa ko kaya naisipan kong sa labas nalang kumain.


"Tapos na'ng Valentines day pero bakit marami pa rin ang nagkalat na masakit sa matang mga tao?" bulong ko habang nakapila sa isang fast food chain. Nag crave ako bigla sa chicken kahit na hindi naman ako mahilig doon.


Nilingon ako nung mag-jowa sa harap ko. Tinaasan ko naman sila ng kilay. Ano ngayon kung narinig nila iyong sinabi ko? Bibili lang ng pagkain kailangan naghaharutan pa? Tse!


It was almost my turn when the girl in my front really gets into my nerves. Sa sobrang harot nila, natapakan na ako at halos matumba ako dahil okay lang sana kung iyong paa kong hindi injured ang naatrasan at natapakan niya, ang kaso ay hindi. Muntik pa akong matumba. Mabuti nalang at matatag iyong naatrasan kong tao at hindi nagreklamo.


"I'm sorry." mabilis kong saad doon sa lalaki sa likuran ko bago kinalabit iyong mag-jowa sa harapan ko.


"Bakit?" ang sabi noong babae.


Aba! At siya pa ang mataray?


"Baka pwedeng umayos kayo? Baka pwedeng mamaya na ang harot? Natapakan mo na ako rito at lahat ikaw pa yata itong galit?" nginitian ko sila ng hilaw.

SECRET HAVEN (Hacienda Cervantes Series) Where stories live. Discover now