Chapter 14

423 40 5
                                    

SHAMELESS

CHAPTER 14


ELLORA
________________________________________________


I WAS HAVING lunch with Caramel when my phone rang. Hindi ko iyon pinansin. I'm hungry and still pissed. I feel neglected at the moment pero hindi naman ako makapag-reklamo kay Cara. Problemado na nga iyong tao pati ba naman problema ko ay ipapa-problema ko rin sa kaniya?


"Bakit hindi mo sagutin? Si Sean iyan hindi ba?"


Napabuntong-hininga na lamang ako. Apat buwan na mula noong umuwi ng Pilipinas si Sorin at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Nakalimutan na yata niyang may iniwan siyang dalawang buntis dito sa bansa ng mga Intsik!


Nilunok ko muna ang laman ng bibig ko. "Ikaw ba, hindi ba nagtataka pamilya mo? Ilang buwan ng hindi nagpapakita si Sorin sayo. As the father of your baby, hindi ba dapat nasa tabi mo siya habang lumalaki ang tiyan mo?"


Ngumisi si Cara at doon pa lang ay alam ko ng hindi gcko magugustuhan ang susunod niyang sasabihin.


"Ah... So, kaya ka nagkakaganyan ay dahil miss mo na si Sean? Gusto mong nasa tabi mo siya habang lumalaki ang baby niyo pero ayaw mo naman kausapin."


Inirapan ko si Cara. "Hindi mo naman ako sinasagot!"


"Hindi naman siya hinahanap ng Lolo o ng Tiyahin ko. Parang sapat na sa kanila na pumayag kami ni Sean sa gusto nila. Besides, we are having a baby. At sapat na sa kanila iyon bilang assurance."


"Pagkapanganak mo, ano na ang plano mo?"


Mas mauuna sa akin na manganak si Cara at pag nanganak na siya, maaaring i-push na ang engagement nila ni Sorin. Kapag ganoon ang nangyari, kami ng baby ko ang mai-itsapwera dahil maliban sa aming tatlo ay wala ng nakakaalam ng tungkol sa ipinagbubuntis ko. Maging ang pamilya ko ay wala pa rin na alam. Paano na ako?


And it's not about me, wanting to be place on Cara's position. Because even though Sorin and I make out a few times, that doesn't mean that we already have feelings for each other.


I don't want to get married just because we are having a baby. Marriage is a lifetime commitment and if I am going to commit myself to a man, it should be to someone I like.


Alam ko naman na hindi kami pababayaan ni Sorin. Though he is a few younger than I am, nakita ko naman sa mga mata niya ang kagustuhang maging ama at akuin ang responsibilidad bilang ama ng ipinagbubuntis ko.


Kung sakaling magpakasal man si Sorin at Cara at malaman ng pamilya nila ang tungkol sa amin ng anak ko, siguro naman ay hindi nila kukuhanin sa akin ang baby. I'm still the mother anyway.


"Hindi ko alam. Pero habang magagawan ng paraan, kailangan natin maiatras ang official engagement namin ni Sean — or worst, ang kasal." Cara sighs then bit on her burger. "Hindi sa ayaw ko kay Sean pero kasi, kung may dapat mang ikasal sa kaniya ay ikaw iyon at hindi ako."

SECRET HAVEN (Hacienda Cervantes Series) Where stories live. Discover now