Chapter 16

446 43 6
                                    


SHAMELESS

CHAPTER 16


ELLORA

________________________________________________


PARA AKONG BINUHUSAN ng malamig na tubig nang wala akong matanggap na sagot mula sa yakap ko kay Papa at ganun-ganun na lamang ang kabog ng dibdib ko habang unti-unting kumakalas sa kaniya.


At tama nga ang kutob ko dahil oras na mahiwalay ako sa kaniya ay dumapo ang palad niya sa kaliwa kong pisngi.


Bakit nga ba nalimutan ko na hindi na ako ang dating Ellora na huli niyang nakita? I am now twenty three weeks pregnant and there's no way to hide my protruding belly.


"Papa..." iyon pa lamang ng nasasabi ko ay napahinto na ako dahil sa disappointment na nakarehistro sa mukha ni Papa ng mga sandaling iyon.


"Sino'ng... Papaanong... Anong ginawa mo sa sarili mo anak?" his voice broke at the last words he said.


Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa imahe ni Papa na nasa harapan ko ngayon. Hindi ako handa sa ganitong komprontasyon. Hindi ko pa naisip na magkikita kami ilang buwan pa lamang mula nang umalis ako ng Pilipinas. At lalong hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksiyon ni Papa pagkakita sa sitwasyon ko.


Puno ng panlulumo, panghihinayang at sakit ang nakikita ko sa mukha ni Papa ngayon. Tila isang maling salita na lamang at tuluyan ng bubuhos ang lahat ng emosyong pinipigilan niya. Halata iyon dahil sa pamumula ng mukha at leeg niya at ang pagkuyom ng kamao.


Sa halip na sagutin si Papa ay marahan akong huminga ng malalim saka binuksan ang pinto ng inookupa kong unit.


"Pumasok po muna tayo sa loob, 'pa. Nakakahiya po sa mga mapapadaan." mahina kong saad.


Walang imik na sumunod sa akin si Papa sa loob. Ako naman ay dumiretso sa kusina para ibaba ang mga pinambili kong prutas at gulay. Pagbalik ko sa salad ay dinatnan ko si Papa na nakatayo paa rin kung saan ko siya iniwan.


Walang salitang inilapag ko ang tsaa na aking dala sa lamesita at naupo sa pang-isahang sofa. Nang sumunod ng upo si Papa ay tahimik kong iniusog sa tapat niya ang tasa ng tsaa.


My father only drinks black coffee and I don't have it here. Ang tsaa na tinimpla ko ay kay Sorin dahil hindi rin naman ako umiinom niyon. But I know my father likes it more than coffee.


"Sino ang ama niyan, anak? Kaya ba bigla ka nalang pumayag na madestino rito ng tatlong taon ay para itago ang bata?" mahina a ng unit puno ng-puno ng hinanakit ang boses ni Papa.


Nagyuko ako ng ulo. Hindi ko makuhang salubungin ang mga mata ni Papa.


At paano ko nga ba sasagutin ang tanong niyang iyon?


"Ellora, anak..." inabot ni Papa ang kamay ko at marahang pinisil. "Hindi ako nagagalit na buntis ka. Magandaa kang bata, alam ko na darating ang panahon na kinatatakutan ko pero ano ang magagawa ko? Nandito na iyan. Ang ikinasasama lamang ng loob ko ay ang paglilihim mo sa sitwasyon kinasuungan mo."

SECRET HAVEN (Hacienda Cervantes Series) Where stories live. Discover now