KABANATA 3

90 3 0
                                    

Lumipas ang isang araw nang hindi ako mapakali. Sobrang atat akong mag Thursday dahil sa kadahilanang makikita ko si George bukas.  Hindi naman ako ganito pero dahil na rin siguro sa kadahilanang makikita ko si George bukas ay hindi na kata-taka na ganito na lamang ang nararamdaman ko ngayon. Masyadong nasasabik na makita ulit si George.

Halos umabot din nang hapon ang paglilibot ko sa Robinson dahil hindi ko alam kung anong gift ang ibibigay ko kay Vin, nung naisip kong mahilig siyang manood ng anime ay yung collection na lang ni Luffy ang binili ko para sa kaniya. Baka kasi nangongolekta rin siya ng nga ganon since anime lover naman siya at kung tawagin ay otaku ba yon? Ahh basta anime lover na lang. Pero syempre dumaan na rin ako sa Penshoppe upang bumili shshshs. Mas excited pa nga akong ibigay ang basic pullover sweater na binili ko para kay George. Kulay grey iyon, dalawa ang binili ko para tig-isa kami. 

Tumayo ako at kinuha ang binili kong iyon, alam kong magagalit siya sa ginawa ko dahil ayaw niya na binibilhan ko siya ng kung ano-ano lalo na kung pera ko ang gamit ko dahil ayaw niyang magkaron ng isipin ang ibang tao sa kaniya pati sa relasyon namin.  Pero ngayon ko lang nman siya binilihan ng ganito, dahil siya ang madalas bumili sa aming dalawa. Ika niya pa nga doon eh, mas ok daw na siya na ang gumagastos sa relasyon namin para walang masabi ang iba.

Para akong tanga ngayon sa harap ng salamin, yakap yakap ang sweater na binili ko habang nakangiting nakatingin sa repleksyon ng sarili ko sa salamin.  Naiimagine ko palang na suot-suot iyon ni George ay gwapong gwapo na siya. Kahit ano naman ang isuot niya ay gwapo parin siya hehe.

Nang mapagod sa kaabnuan ay inilagay ko na ulit iyon sa paperbag. Nagtungo na ako sa banyo at naligo. Nang matapos ay pinatuyo ko na ang buhok ko habang nakatingala sa mga bituing nagbibigay ganda sa madilim na kalangitan.

Lumamlam ang mata ko nang may kumislap na bituin, hindi agad ako nakapagsalita sa sobrang gulat at mangha. Sayang ay hindi ako nakapag wish, pero ayos na yon. Ayokong humiling sa mga bagay na gusto kong makuha. Mas gusto kong kusa kong natatanggap ang mga bagay na hindi ko naman hinihiling na makukuha ko.  Nakangiti kong pinagpatuloy ang  pagpupunas ng buhok ko. Nang matuyo na ay pumasok na ko  sa loob, pinatay ang ilaw at nahiga sa malambot kong kama. Agad namang lumiwanag ang mga glow in the dark na mga stars at moon sa kisame ko. Natutuwa talaga akong pagmasdan iyon, kaya naman ay kinuha ko ang Galaxy lamp ko at sinaksak iyon. Agad itong lumiwanag at agad na kumalat sa loob ng espasyo ng kwarto ko. Napangiti ako sa sobrang ganda sa mata non. Hindi ko rin alam kung ilang oras akong nakatitig don dahil nang tignan ko ang oras sa phone ko ay alas diyes na nang gabi. Nakakatuwa lang na ang bilis ng oras, gabi na pero hindi ako parin ako dinadalaw ng antok. Nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo ako at kinuha ang wallet ko.

Gusto kong bumili ng snacks sa Ministop. Bigla akong nagcrave sa siopao at kariman hehe.

Kinuha ko ang jacket ko at isunuot iyon, nag mask din ako dahil baka mahuli ako ng mga tanod mahirap na. Kahit kasagsagan ng level 1 ngayon ay hindi parin ligtas sa virus kaya kailangan paring mag-ingat at syempre para hindi mahuli hehe.

Pagkababa ko ay nakita ko si Dad sa sala nanonood ng basketball kaya naman ay lumapit ako sa kaniya upang magpaalam. Napukaw ko naman ang atensyon niya kaya nabaling sa akin ang paningin niya.

"Where are you going? Late na ah."

"Jan lang po sa Ministop dad, bibili lang ng siopao at kariman. Wala kang ipapasabay dad?"

"Wala naman na, pero sige  pasabay na ng 2 beer kung ayos lang."

"Oo naman yes dad. Kayo pa."  Nakangiting tugon ko at ginulo niya naman ang buhok ko na agad kong ikinasimangot.

It Started in San Andres St.Where stories live. Discover now