KABANATA 30

21 0 0
                                    

"S-Sorry, di ko mapigilan eh." aniya nang humiwalay na siya sa pagkakalapit sa akin. Pakiramdam ko naman ay nag-iinit na ang mukha ko dahil sa hiya.

"Yiehh so sweet ng mga nakshie ko." parehas kaming umiwas ng tingin ni Dion nang marinig ang panunukso ni mommy. "Oh siya sige na you may leave na. Baka abutin kayo ng gabi sa date niyo hihi. Take care of our baby Dion anak ok?" nakangiting tumango naman si Dion.

"Yes po tita, kinuha ko po siya nang kumpleto at ibabalik ko rin po siya nang buo at walang kulang hehe." nagtawanan naman sila ni mommy sa birong iyon ni Dion. Hindi ko alam kung saang part ang biro ron, hindi kasi ako natawa eh.

Nauna na akong lumabas dahil masyado na akong nahihiya sa mga pinagsasabi ni mommy. Tahimik akong naghintay at ilang minuto din ang lumipas ay sumunod na si Dion papalabas.

Habang naglalakad siya papunta sa gawi ko ay doon ko lamang napag-aralan ang kabuohan niya. Napakagwapo niya sa suot niyang black bomber jacket at nagbigay angas sa kaniya ang plain white shirt na talagang mas bumagay sa kaniya. Napangiti ako nang makalapit siya sa akin.

"Cute mo." Nakangiting bungad niya matapos akong lapitan. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko kaya agad akong tumalikod sa gawi niya.

"Woi nagmamadali ka naman. Excited kana bang masolo ako?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi niyang iyon. Medyo napalakas din iyon kaya alam kong narinig iyon ng mga nagpepedikab. Narito na kasi kami sa Laundry shop dito sa dulo ng Felix, harap kasi non ay ang waiting shed na kung saan ay doon pumapara ng sasakyan.

"Asa ka." Pagtataray ko pa sa kaniya, natawa naman siya at hinawakan ang kamay ko at saka ako kinaladkad pasakay ng jeep. Medyo punuan ang sakay kaya hindi na kami nagkatabi sa pag-upo. It's a good thing narin dahil ayokong magkatabi kami ngayon. Naaalibadbaran ako sa kahanginan ng lalaking ito.

Umandar na ang jeep kaya hunawak na ako sa railings na nakasabit sa itaas ng kisame ng jeep. Nang makita ako ni Dion ay ginaya niya ang ginawa ko. Napatingin ako sa kaniya at ganon na lamang kalawak ang pagkakangiti niya sa akin nang magtama ang aming mga mata. Inirapan ko siya dahilan upang lalong maningkit ang mga mata niya sa pagkakasingkit. Iniwas ko na lang ang paningin ko dahil nararamdaman ko na ang mga titig ng ibang pasahero sa amin.  Hindi man nila sabihin at hindi ko man nababasa ang isip nila ay nahihinuha ko na sa isip ko na ang ibang kasabay namin dito ay hinuhusgahan na ako. Sa kabila ng mga negatibong pag-iisip ay hindi ko na iyon pinansin pa. Wala rin naman akong mapapala kung iintindihin ko pa ang mga panghuhusga nila. Wala namang maidudulot sa akin iyon kaya mas magandang dedmahin ko na lang.

Nagpatuloy ang biyahe, patuloy parin ang pagsulyap ni Dion sa akin. Medyo nako- conscious na ako pero may parte sa loob ko na kinikilig sa tuwing magtatama ang aming mga mata at ngingiti siya nang malawak. Kanina ko parin napapansin ang ilang pasaherong kumukuha ng sulyap sa kaniya. Hindi ko naman maipagkakaila na gwapo talaga si Dion. Lalo ngayon na bagay na bagay sa kaniya ang outfit niya. Kaya hindi na ako magtataka pa na may-ilang pasahero ang nagnanakaw ng tingin sa kaniya lalo na ang dalawang babaeng nasa harapan ko. Nasa kanang side kasi ako napaupo habang siya naman ay sa leftside dahil nga sa punuan ang jeep kanina.

Napairap na lang ako nang muling magtama ang aming tingin at sinabayan niya pa ng pagkakangiti na halos hindi na muli makita ang mga mata niya.

Nagpatuloy ang biyahe hanggang sa bumaba na kami sa Faura at muling naglakad papunta sa 7/11 Pedro Gil upang sumakay ng jeep papuntang City Hall. Nang makasakay ay ilang minutong biyahe pa ay narating na namin ang City hall. Napakaliwanag ng paligid dahil sa nga ilaw na nakasabit sa mga puno ng mangga.
Bumaba naman kami sa underpass at naglakad papasok sa Intra. Masyado na ring madilim, kakaunti lang ang ilaw dahilan upang kapusin ito sa pagbibigay ng liwanag sa paligid.

Agad akong napatingin kay Dion nang hawakan niya ang kamay ko. Nakaramdam naman ako ng kapayapaan nang gawin niya iyon at nang makita ang ngiti sa kaniyang mga mata.

Ngayon lamang ako nakapunta rito ng ganitong oras kaya medyo nangangamba ako kanina.

"Ang ganda maglakad sa ganito lalo na kapag ikaw ang kasama ko."  Muli akong napatingin kay Dion nang sambitin niya iyon. Sa salita niya ay ramdam ko na ang sinseridad pero hindi na ako nag-alinlangan pa na hindi iyon paniwalaan dahil sa nakikita ko mismo ang sinseridad niya sa kaniyang mga mata.

"Salamat dahil ipinaramdam mo sa akin kung paano magmahal at kung gaano kasarap ang magmahal."  Muli na naman akong natahimik nang bigla siyang magbitiw ng salita.

"Hindi ko naman sinasabi na mahalin o gustuhin mo rin ako, kaya ko namang maghintay eh. Ang hindi ko lang kaya ay iyong hindi mo ako bibigyan ng pagkakataon na iparamdam sa iyo kung gaano kita kagusto. Mukhang nagkamali ako."  Napatigil kami sa paglalakad nang bigla siyang tumigil. Hinawakan niya ako sa magkabila kong pisngi at ipinagdikit ang aming mga noo.
"Nagkamali ako dahil hindi lang pala kagustuhan itong nararamdaman ko. Pwede ko bang sabihin na mahal kita?" Hindi ulit ako nakakilos nang magbitiw ulit siya ng salita. Masyado ring mabilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Iba-iba rin ang nararamdaman ko sa loob ko. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi ko pakinggan ang mga sasabihin niya, dahil para sa akin ay napakasarap sa pakiramdam ang marinig ang lahat ng salitang binibitawan niya.

"Natatakot kasi ako na baka kapag sinabi kong mahal kita, mabigla ka. Hindi naman ako natatakot na hindi ako makarinig ng tugon mula sa 'yo, ang kinakatakot ko ay baka mabigla kita at biglang magbago yang nararamdaman mo. " Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot ang dibdib ko nang makita kong magluha ang mata niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi rin ako makakilos nang maayos dahil masyadong nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa mga salitang binitawan niya, hanggang sa hindi ko na namalayan na nakayakap na pala ako sa kaniya.

"Hindi naman kita minamadali, maghihintay pa rin ako basta payagan mo lang ako na iparamdam sa 'yo na mahal kita at masabi sa 'yo na mahal talaga kita."  Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin habang ako naman ay marahang napapikit at hinintay na lumapat ang labi niya sa aking noo.

' Hindi ko man masabi na gusto rin kita, pero pangako, ipararamdam ko rin sa iyo ang mga bagay na dapat ay maramdaman mo'.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It Started in San Andres St.Where stories live. Discover now