KABANATA 17

26 3 0
                                    

🎶 AYAYAY AYM YOR LITEL BATERPLAY~
AYAYAY AYM YOR LITEL BATERPLAY~~🎶

Agad kong naialis ang earpod niya sa tenga ko nang marinig ang kantang iyon. Napakalakas non, parang masisira ang eardrums ko. Ang luha ko ay umurong at napalitan ng inis. Inis ko siyang tinignan nang maupo siya sa tabi ko. Malapad ang pagkakangiti niya at halatang nang-aasar.
Pero aaminin ko, sa ginawa niyang iyon ay gumaan ang pakiramdam ko. Nawala ang sakit sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay mayroon akong kasama. Pero kahit ganon ay hindi ko parin maiwasang hindi maasar sa kaniya lalo na sa ginawa niya ngayon.

"Ayos ka na ba?"  Nakangiting sambit niya. Halos hindi na makita ang mata sa sobrang pagkakangiti. Itinaas ko ang gilid ng aking labi, nginiwian siya.

"Oo kanina, pero nung dumating ka hindi na."  Pambabara ko. Nagkunyari naman siyang nasaktan. Mukha siyang tanga dahil nakahawak pa siya sa kaniyang dibdib na animo'y nasasaktan talaga.

"Ouch... Pain... Pighati... Lumbay... Sakit naman nyan lods. Sige ayos lang."  Natawa ako nang palihim sa sinabi niyang iyon. Ayokong ipakita sa kaniya na natawa ako dahil baka may masabi na naman itong iba. Masyado pa namang malikot ang utak, kung ano ano ang iniiisip.

"Para kang adik."  Pang aasar ko sa kaniya at ngumiti naman siya nang malapad at bahagyang inilapit ang kaniyang mukha sa harapan ko.

"Adik sa 'yo, pwede rin."  Aniya at kumindat pa bago tumayo at agad na nagtungo sa videoke. Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang iyon, may kung ano akong naramdaman sa loob ko. Bumilis din ang tibok ng puso ko.  Iniwas ko ang aking paningin nguni't agad na tumama iyon sa nakatitig na si Cheng. May kung anong pang-aasar akong nababasa sa mga mata niya kaya pinandilatan ko siya nguni't kumindat lamang siya sa akin.

Napaupo ako nang maayos nang biglang naupo sa harapan ko si Dion dala ang mikropono na hindi ko alam kung paano umabot dito. Hindi ko nakita ang wire ng mic kaya doon ko napagtanto na wireless pala ito.

{ 🎶 NOW PLAYING: YAKAP SA DILIM BY: ORANGE AND LEMONS🎶}

Bago magsimula ang intro ay bigla siyang tumitig sa akin at muling ngumiti nang matamis.  Muling bumilis ang tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Nang hindi na makayanan ang mga titig niya ay umiwas na ako ng tingin.

🎶Sandal mo sana ang ulo mo sa unan
Katawan mo ay aking kukumutan
Mga problema'y iyong malilimutan
Habang tayo'y magkayakap sa dilim🎶

Agad na nagtayuan ang balahibo ko sa lalim ng boses niya. Ibang genre ang kinanta niya ngayon kesa sa unang kantang narinig kong kinanta niya noon. Malumanay ang pagkakanta niya noon, pero ngayon ay kakaiba.

🎶 Huwag mong pigilin kung nais mapaluha
Pakiramdam mo sana'y guminhawa
Kung gusto mo ay magsigarilyo muna
Bago tayo magkayakap sa dilim🎶

Aaminin ko, napakasarap talaga sa tenga ng boses niya. Ang sarap pakinggan, may kung ano kang nararamdaman sa loob mo dahilan upang magtayuan ang mga balahibo mo. Hindi ko masyadong ma explain ang ganitong pakiramdam dahil ngayon ko lang ito naramdaman.

May mga naririnig na akong kumakanta nito pero kakaiba ang dating ng pagkakakanta ni Dion.

🎶  Heto na ang pinaka-hihintay natin
Heto na tayo magkayakap sa dilim
O kay sarap ng mga nakaw na sandali
Habang tayo'y magkayakap sa dilim 🎶

It Started in San Andres St.Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz