KABANATA 27

13 2 0
                                    

****BRISK.... BRISK...****

Napamulat ako ng aking mga mata nang marinig ang sunod sunod na pagtunog ng phone ko. Kinuha ko iyon at tinignan ang messages na natanggap ko habang kinukuskos-kuskos ang kaliwang mata ko gamit ang kaliwang kamay ko.

Nang makita ang mga messages ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil sa tadtad na messages ni Dion.

15 unread messages...

From Dion:
5:30 am

Hello! Gising kana ba? Ako gising na actually, kagigising ko lang tas ikaw agad unang pumasok sa isip ko hehe....

Received.

From Dion:
5:31 am

Ay nakalimutan ko, Good morning pala hehe. Gising ka na ba? Gusto kitang makausap. Gusto kitang tawagan pero baka tulog ka pa kaya ichachat na lang muna kita.

Received.

From Dion
5:35 am

Woi grabe naman puyat ka ba kagabi? Siguro iniisip mo ako noh? Tsk kaya pala hindi ako makatulog kagabi nang maayos eh. Sabi kasi sa mga nababasa ko sa fb at tiktok kapag daw hindi ka makatulog ibig sabihin non may taong umiisip sa 'yo. Kaya siguro hindi ako makatulog kasi ikaw yung umiisip sakin noh? Umamin kana, aamin din ako.

Received.

From Dion
5:45 am

A morning text doesn't only mean Good morning. It also means I think about you when I wake up.

Received.

From Dion
5:51 am

Masyado ba akong magaang nagising? Tsk siguro nga alas singko palang pala ng umaga hehe. Pasensya na po. Sige balik na ko sa tulog, sleep well sana sa paggising mo ako agad ang hahanapin mo kasi nung gumising ako ikaw agad ang hinanap ko haha.

Received.

Ilan lang yan sa mga messages na sinend niya, habang binabasa ko lahat ng iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa kakornihan niya. Pero aaminin ko kinikilig ako habang binabasa lahat ng iyon. Hindi ko alam na may ganitong side pala si Dion. Ang cute lang kasi si George hindi naman ganito. Parang si Dion lang ang kilala kong ganito.

Ibinaba ko ang phone at saka nagtungo sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Nang matapos ay muli kong kinuha ang phone ko at saka bumaba.

"Good morning po Nay Nelia." Bungad na bati ko kay Nay Nelia nang maabutan ko siyang naglilinis ng lababo. Napatigil naman siya at pinunasan ang kamay bago lumapit sa akin.

"Magandang umaga rin sa iyo iho, hindi kana ginising ng mommy at daddy mo dahil napakahimbing ng tulog mo. Nga pala, nakaalis na sila papunta sa ob ba iyon? Basta magpapacheck up ang mommy mo."

"Ganon po ba? Sayang hindi ako nakasama."

"Paano ka isasama eh ang himbing ng tulog mo. Maupo kana riyan at nang maipaghanda na kita." Gaya ng sinabi ni nay Nelia ay naupo na ako at ipinaghanda niya naman ako ng makakain.

It Started in San Andres St.Where stories live. Discover now