KABANATA 28

14 2 0
                                    

"Woi! Anjan ka pa?"  Natinag ako nang marinig ko ang bahagyang pagsigaw niya. Hindi ko namalayan na tapos na pala siyang kumanta.

"A-Ahhh, o-oo... Oo."  Agarang tugon ko. Hindi agad nakapag react. Masyado parin akong lunod sa kagandahan ng boses niya. Pakiramdam ko ay parang nasa tabi ko lang siya habang kinakanta niya ang kantang iyon kanina.

{"Kamusta yung kanta ko?"}

"A-Ah... A-Ayos lang."

{ Ayos lang?}

"Oum."

{ Bukod sa ayos lang? Ano pa?}

"M-Maganda."

{ Bukod sa maganda, ano pa?}

Agad akong napapikit dahil sa inis dahil sa dami niyang tanong.

"Ang dami mong tanong. Bahala ka jan." Inis na sambit ko at rinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

{ Cute mo.}

Iyon pa lang ang sinabi niya pero matindi na agad ang impact sa akin. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, muli akong nakaramdam ng kakaibang kilig sa puso ko. Ewan ko ba, kapag siya na ang nagbibitaw ng ganyang salita sa akin ay masyadong oa ang nagiging reaksyon ko.

"Dami mong alam. Ano na naman ba?" Inis kunyaring sambit ko. Tinatago ang kilig.

{ Grabe galit agad, kinantahan lang naman kita hayst... Hindi ba pwedeng kiligin ka na lang?}  Naiimagine ko ang mukha niya nang marinig ko ang hinanaing niyang iyon, masyado siyang cute sa imagination ko. Sa imagination nga lang hehe.

"Eh ano naman ba kasing gagawin ko?"

{ Ang mamiss ako gaya ng pagkamiss ko sa 'yo.}

Hindi agad ako nakaimik sa mabilis niyang sagot. Hindi ko iyon inaasahan kaya ganito na naman ang impact ng sinabi niya sa loob ko.  Siguro kailangan ko nang sanayin ng sarili ko sa mga ganitong banat niya na kahit korni at cringe ay hindi ko parin maiwasang hindi kiligin.

{ Natahimik ka na naman. Kinikilig yarn?}

"Gagi haha. Kapal mo naman lods"  natawa ako sa sinabi niya at ganon dim naman siya, ang cute lang kasi ng pagkakasabi niya ng word na 'YARN'

{ Biro lang hehe. Nga pala namimiss na kita. Gusto kitang makita ngayon pero alam kong hindi ka naman papayag.}  Malungkot na aniya, napangiti naman ako.

"Namiss din naman kita."  Tugon ko at natigilan naman siya. Matagal bago siya nakaimik. Ramdam ko ang pagkagitla niya, dahil don ay muli akong napangiti.

{ T-Talaga?}  'di makapaniwalang usal niya.  Mahina naman akong natawa sa naging reaksyon niyan.

"Sige hindi na lang. Ayaw mo ata eh."  Biro ko

{W-Woi wag ganon! Walang ganyanan aba. Saglit, wait ka lang jan! I miss you too!}  Tarantang aniya at napangiwi naman ako nang bigla niyang patayin ang call. 

It Started in San Andres St.Where stories live. Discover now