KABANATA 18

26 3 0
                                    

"Sino 'yong kausap mo?" tila galit ang tonong tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit biglang ganito ang inasal niya, sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawa para magalit siya.

"Akala ko ba maghuhugas ka lang? Mukhang nag-eenjoy ka ah." Sarkastikong sambit niya. Hindi ko siya maunawaan dahil wala akong nahihinuhang dahilan para magkaganyan siya sa harap ko.

"Teka nga, ano bang kinagaganyan mo? Angas mo ah, bat nagagalit ka?" Pigil ang inis na sambit ko. Tumingin lang siya sa kanan niya at kitang kita ko naman ang pag-igting ng kaniyang panga. Ayokong bigyan ng ibang meaning itong ginagawa niya pero sa iniasta niya ay hindi ko maiwasang hindi bigyan iyon ng meaning lalo na kapag titingin ako sa mga mata niya. Ayokong magbitaw ng salita dahil baka kasi hindi iyon tugma. Kita ko ang selos sa mga mata niya. Ayokong mag-assume dahil baka iba ang dahilan niyang iyon.

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot nang umakyat na ako sa taas at naupo sa kaninang pwesto. Hindi ko na nakita si Eunice sa table namin kaya nilapitan ko si  Cheng.

"Bat nawala ung babae?"  Bulong ko rito at ikinibit balikat niya lang ako. Napabuntong hininga ako at lumapit kay Jelai.

"Nasan na ung babae?"  Tanong ko kay Jelai at naupo naman siya nang ayos.

"Ahh umalis na, hindi pinapansin ni Dion eh. LQ siguro? Chika ko sa 'yo mamaya. Nga pala saan ka galing?"

"Naghugas lang ng kamay, medyo naurat lang ako ron kay Dion. Ang korni ampt, biglang nagalit di ko naman inaano." Kwento ko at nanlaki naman ang mga mata niya. "Korni mo rin."  Inis na bulong ko sa kaniya at natawa naman siya.

"Eng kasi teh, kanina ka pa hinahanap non. Apakatagal mo naman kasi maghugas jusko ka."  Aniya at nangunot naman ang noo ko. Hindi na ako nagtanong pa sa kaniya at naupo na lang sa tabi niya. Ayokong maupo ron sa pwesto ko kanina. Medyo nauurat parin ako kay Dion sa ginawa niya kanina.

Medyo nacurious din ako kung bakit niya ako hinahanap kanina eh gayong alam niya namang maghuhugas ako ng kamay.

' Ket kelan talaga me sapak ang isang yon.'

Ilang sandali pa ang lumipas ay bumalik na si Dion pero ganon na lamang kakunot ang noo niya nang tumingin sa akin. Hindi maipinta ang mukha, masyadong nakabusangot, halos magdikit na rin ang kaniyang kilay sa sobrang pagkakunot ng noo.

Iniwas ko ang aking tingin nang magtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganiyan na lang kakunot ang noo niya, hindi ko na siya pinansin pa dahil wala naman akong pakialam sa kung anong iniisip niya.

Lumipas pa ang ilang sandali nang tuluyan na kaming natapos. Gaya nung nakaraan ay sinalansan ko ulit ang aming pinagkainan at hanggang sa nakigaya na rin sila. Iniwan naming malinis ang aming table, naiwan na lamang doon ay ang metal na plato, hindi ko alam kung anong tawag don basta ung pinagkainan na lang namin ang naiwan doon.

Nauna nang bumaba ang apat habang naiwan naman kaming dalawa ni Dion. Hanggang ngayon ay hindi ko parin siya pinapansin kaya nauna na rin akong bumaba sa kaniya. Naramdaman ko rin ang pagsunod niya hanggang sa tuluyan na kaming makalabas nang hindi parin nagpapansinan. Hindi ko alam ang rason niya kung bakit bigla na lang siyang nagkakaganyan, kung ano man ang rason niya ay wala ulit akong pakialam.

Ilang minuto ang lumipas nang lumabas na rin ang apat. Taka naman nila kaming tinignan kaya taka ko rin silang tinignan.

"Taray LQ rin kayo?" Pang-aasar ni Jelai sa amin nang makalapit siya. Sinamaan ko lang siya ng tingin nguni't binigyan niya lang ako ng nakalolokong tingin. Katulad kanina ay hindi ko na sila pinansin pa hanggang sa makasakay kami ng jeep ay hindi na ako muling kumibo. Panay parin ang kwentuhan nila habang ako ay nakikinig lang sa kanila habang ang mga mata ay nakatuon sa labas.  Katabi ko si Dion ngayon pero miski siya ay hindi rin kumikibo, katulad ko ay nakatingin lang din siya sa labas kaya parehas kaming hindi nagpapansinan.

Pero sa totoo lang ay hindi ako sanay na ganito katahimik itong si Dion.  Masyado akong nasanay na medyo maingay siya kaya ngayon ay naninibago ako sa katahimikan niya. 

Hanggang sa nakababa na kami ng jeep ay hindi parin siya umiimik. Nauna nang umalis ang apat habang kami naman ni Dion ay tahimik na naglalakad. Hindi ko na siya inisip pa at nagpatuloy na lang ako sa pagpalakad. Hanggang sa malagpasan na namin ang Ministop at mapunta kami sa kanto ng street namin nang hindi parin siya umiimik. Kaya naman ay bumuntong hininga ako at saka tumigil. Nakita niya naman ako kaya napatigil din siya sa paglalakad.

"M-Mauna na ako."  Utal na sambit ko, kinakabahan sa hindi malamang dahilan. Tinignan niya naman ako na parang wala lang at saka siya tumango at nagpatuloy na sa paglalakad. Taka ko naman siyang sinundan ng tingin hanggang sa makaliko na siya sa kanto ng Delas Alas.

Bagsak ang balikat akong nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang bahay namin. Walang ganang binuksan ko ang gate at pumasok.  Naabutan ko naman si Nay Nelia sa sala at napansin niya naman ako.

"Napagabi ka ata iho."  Aniya at ngumiti naman ako sa kaniya.

"Matagal po kasing kumain ang mga kasama ko eh. Tsaka matagal din po ang service nung kinainan namin."

"Ahh ganoon ba oh siya hindi na kita ipaghahanda ng pagkain, alam ko namang kumain kana sa labas. Sige na magpahinga kana sa kwarto mo, baka bukas ay aalis kayo."

"Saan naman po manang?"

"Jan lamang sa Delas Alas, bibisitahin ang bagong bahay ng Tito Nic mo. Sige na magpahinga kana, mukhang pagod kana rin." 

"Salamat po manang. Kayo rin po, magpahinga na rin po kayo." Nginitian lamang ako ni manang at saka tumango. Umakyat na rin so sa kwarto ko at agad na ibinagsak ang katawan sa kama. Muling sumagi sa isip ko ang naging asal ni Dion kanina. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang galit niya sa akin kanina nang may nakita siyang may kausap ako. Sa pagkakalam ko ay wala naman siyang dahilan para makaramdam ng galit sa akin.

' Baka wala lang sa mood dahil sa Eunice na iyon.'

Sa isiping iyon ay muling sumagi sa isip ko si Eunice. Bigla tuloy akong nacurious kung  meron bang namamagitan sa pagitan nila ni Dion. Muling nanumbalik sa akin ang itsura ni Eunice. Masyado siyang maganda, konti na lang ay masasabi mo nang perfect. Maganda ang mukha, maliit ngunit bagay lamang sa kaniya. May kakapalan ang magandang korte ng kilay. Singkit ang mga mata na mayroong nagpipilantik na pilikmata. Matangos ang ilong at hugis  pusong labi na kulay pinkish. Wala pa siyang make up sa lagay na yon pero ang ganda na niya. Bumagay pa sa kaniya ang bagsak at makapal niyang buhok na hindi ko alam kung natural ba ang pagkacurly ng dulo non at mayroong magandang hugis ng katawan. Masyadong attractive si Eunice, siguro kung naging straight ako ay baka magustuhan ko rin siya.

Sa isiping iyon ay hindi ko maiwasang hindi maging insecure, hanggang insecure lang naman ako pero never ko namang hiniling na maging kagaya rin ako nila. Masya ako sa katawang meron ako kaya never pumasok sa isip ko ang mga bagay na iyon. Pero ang katotohanang babae sila at ganito ako ay sadyang nakakalungkot sa lagay ko.

Biglang sumagi sa isip ko ang nakalimutang chika na sasabihin sa akin ni Jelai tungkol sa kung anong meron kina Dion at Eunice kaya agad kong kinuha ang phone ko at nagchat sa gc naming tatlo.

{ @Jelai ano na? Nasan na yung chika na sinasabu mo??}

{ BUKAS NA LANGZ INAANTOK NA AKEZ. GOOD NIGHT!}
-JELAI

Naipikit ko ang aking mga mata sa inis, sarap sabunutan ng babaeng iyon.

Ibinagsak ko na lang sa gilid ko ang phone ko at saka tumayo at nagtungo sa banyo upang maligo. Ilang minuto lang ang tinagal ko sa loob dahil medyo napapagod na rin ako. Nang makapag-ayos na ay chinarge ko ang phone ko at inihiga ang sarili sa kama. Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng antok kaya naman ay hinayaan ko na ang sarili ko na makatulog.

It Started in San Andres St.Where stories live. Discover now