(Gracie's pov)
We already arrived here sa MOA. Medyo awkward kasi pinagtitinginan talaga kami ng mga tao pero wala naman skong magagawa, ganon talaga.
"San tayo?" Mama Imee asked
"Sa may, sidewalk tayo tas bili tayo ng food?" I asked
"Tamang tama dala ko yung pang badminton" Papa Tommy said
"Tommy, pag papawisan to, sa bahay na lang kayo mag laro" Mama Imee said
"Mahal, mas maganda yung dito" Papa Tommy said
"Makatama kayo" Mommy said
"Sa bahay na lang anak umimik na yung abogado mo" Papa Tommy said
"Case dismissed" i said
Bumili na kami ng makakain at saka pumunta sa may sidewalk. Medyo mainit kaya kinuha nung isa naming guard yung carpet sa van at saka namin nilatag at don naupo.
Nag kekwentuhan lang kaming apat. "Ang bilis mong lumaki anak" Mommy said
"Parang kelan lang nung dinala ka ni Irene sa bahay, lisa ka palang non" Mama Imee said
"Bakit? Kuto na ba sya ngayon?" Papa Tommy asked
"Oo ang sarap tirisin napaka daldal" Mama Imee said
"San pa ba mag mamana" I said
Kiniliti naman ako ni Mama, "ahh talaga ba , madaldal din yang Mommy mo, malamang dyan ka nag mana" she said
"Bakit may sinabi ba akong sayo HAHAHHAHAHAHAH" i laughed so hard. Pinilit kong tumayo para makatakbo kay mama.
Tumakbo ako at hinabol nya naman ako.
"Akala ko ba pag papawisan si Gracie, bat nag hahabulan na kayo?" Papa Tommy asked
"Makihabol ka na lang tirisin natin tong kutong lupa na to" Mama said
Humabol din naman si Papa Tommy...
(Irene's pov)
Nag hahabulan yung tatlo na parang bata. Masaya akong makita na masaya si Gracie. Siguro kahit papano nararamdaman nyang may masaya syang pamilya....
Bumili ako ng tubig at ng burger dito sa may gilid namin..
"Tama na nga yan baka asthmahin pa yang bata" i said
"Mommy naman KJ" Manang said
"Mommy ka dyan, sipain kita eh" i said
Pinakuha ko sa mga guards yung extrang towel sa Van.
"Oh yan towel lagay ka sa likod mo manang" i said
"Lagay mo Mommy" she said
"Isa pang Mommy mo saken ibubuhol ko sa leeg mo yan" i said
"Mommy sige na" she said saka tumakbo
Hindi naman ako nag dalawang isip na habulin sya..
"Mommy habol" she keep teasing me
"Matanda na tayo manang, ayoko na" i said
"Ikaw lang ang matanda" she said
"Oh sya lumapit ka dito at ilalagay ko yang towel" i said
Lumapit naman si Manang at pinunasan ko ang likod nya. Ganon din ang ginawa ko kay Gracie...
Nag pahinga lang kami saglit. Inayos na namin yung pinag kainan namin at pumasok na kami sa loob ng mall.
"Greggy!" Kuya tommy said
"Oh Tommy" Greggy said
"Hi dad" Gracie said
"Hello anak" He said
"Hi Irene" dagdag nya
"Hey" i uttered
"Sinong kasama mo?" I asked
"Interested?" Manang asked
"Sina Cindy" he said
Dapat ata di ko na tinanong. Biglang tumakbo papalapit si Clyde kay Gracie. Hindi naman na umiwas si Gracie.
"Anak baka mabagsak mo, bigay mo na yan don sa daddy mo" i said
Bigla namang dumating si Cindy at kumapit kay Greggy na parang linta. Akala mo naman gustong gusto ni Greggy yung kapit nya.
"Honey let's eat na, baka gutom na si Clyde" Cindy said
"Cindy ano ba" Greggy whispered
"Mommy let's go sa national bookstore may bibilhin ako" Gracie said
"Ngayon lang ako nainform na pwede na palang mag mall ang isang linta" Manang Imee said
"Mahal/Mama/Ate" Kuya tommy, Gracie and I uttered
"Bakit? Akala ko puro authentic at original ang nandito sa MOA bakit may peke?"Ate said
"Mama" Gracie uttered
"Hooo ayoko na, san ba pwedeng mag complain, may nakawalang ahas sa manila Zoo, andito sya sa moa" Ate said
"Tama na Josefa ha" i said
"Mama tanggapin na lang natin na pwede nang mag mall ang isang higad" Gracie said and left us speechless
Napatingin ako kay Greggy at mukang nabigla din sya.
"GRACIE MARIA CELESTINE WHAT'S THAT BEHAVIOR?" i asked
"The tamang behavior" Manang said bago hinila si Gracia papalayo.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang ugali ng dalawang to. Alam ko namang mag tita sila pero sana naman hindi makuha ni gracia yung pag kamaldita ng tita niya...
Umuwe na lang kami at iniwan namin si Greggy at si Cindy na hindi makapaniwala sa sinabi ni Gracie.
(Greggy's pov)
"Anak ko ba yon?" I asked
"Nakakabigla noh?" Tommy asked
"San nang galing yon?" I asked
"Kanino pa edi kay Josefa" he said bago kami iniwan...
YOU ARE READING
A Mother's Love
Science FictionA mother who's trying to have a bond with her daughter.