Chapter 147

434 49 2
                                    

2 MONTHS LATER

"Andyan na yung therapist ni Daddy.... Mauna na ako ha" sambit ko bago lumabas ng pinto

"Gracie!" Malakas na tawag ni Baste sa labas ng gate

"Sebastian!" Sambit ko

"Let's go!" Sambit niya

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Wala i decided to pick you up lang, nalaman ko yung nang yare sayo last month.... Nadukutan ka sa pag cocommute mo" sambit ni Baste

"A-ano... Nakakahiya naman" sambit ko

"Ano ba? Wag ka nga mahiya, you're working for me tas mahihiya ka pag ginagawa ko to" sambit ni Baste

Nakarating na kami sa opisina at nag simula na din akong mag trabaho.

"May sweldo na daw tayo" sambit ni Jane

"Wow, nice" sambit ko

"Gracie Araneta" malakas na tawag ni Baste

"Sir" sambit ko

"To my office now!" Sigaw nya

Dali dali akong tumayo at nag punta sa office ni Baste.

"Bakit sir?" Agad na tanong ko

"Sweldo mo, kinuha ko na sa HR" sambit ni Baste

"Alam mo sa susunod wag mo kong sisigawan ng ganon kasi tutundusin ko ng tinidor yang dila mo" sambit ko

"Oooohhhh violent!" Pang aasar ni Baste

Inirapan ko lang sya at lumabas ng pinto...

Natapos ang mag hapon at hinatid lang ulit ako ni Baste sa bahay. Natutulog si Daddy kaya naman dumeretso na muna ako sa kwarto ko. Nilinis ko na din yung kwarto ni Mommy dahil matagal ng walang natutulog don at plano kong palipatin na si Daddy sa kwarto nila ng mommy...

"Kanina ka pa ba?" Tanong ni Daddy habang pababa ako ng hagdan

"Ahhh dad, yes kanina pa po ako nag linis lang ng mga kwarto sa taas" sambit ko

"Hayyyyyyy" buntong hininga ni Kuya pag kapasok ng pinto

"Ang lalim naman non" sambit ni Daddy

"Tammy" sigaw ni Andy habang buhat ng yaya nya

"Hi Andy" sambit ko

"Hmmmm" pag halik ni kuya sa pisnge ko

"How's work?" Tanong ko

"Tired" sambit ni Kuya

Masyadong madaming inaayos sa kumpanya. Kelangan naming mag simula uli sa simula. Masyadong madaming inaasikaso, halos ako lang ang nag aakyat ng pera sa bahay na to. Ang kinikita ko sa isang buwan ay kulang pa samen.

Nag luto na yung yaya ni Andy ng dinner at kumain na din kami. Nag stay ako sa office ni mommy para sa budgeting.

"Nakasweldo kana ba?" Tanong ni Kuya

"Oo, eto nga oh binabudget ko na" sambit ko

"20k" sambit ko

"4k sa therapist ni Daddy, 4k sa kuryente, 3k gas ng sasakyan ni Daddy, 5k sa pag kain dito sa bahay" sambit ko

"16k na yan" sambit ni Kuya

"2k pocket money ko" sambit ko

"18k" sambit ni kuya

"May check up pa si Daddy, may maintenance pa" sambit ko

"Etong 2k ko ibili na lang muna ng gamot ng daddy tas itong 2k sa check up" sambit ko

"Mag sabi kaya tayo kay Lola?" Tanong ni Kuya

"Wag... Gawan na lang natin ng paraan..." Sambit ko

"Wag mong gagalawin yung ipon mo ha... Para yun sa future mo" sambit ni Kuya

"Pano kaya kung lumipat tayo ng bahay? Yung mas maliit lang" sambit ni kuya

"Atleast makakatipid tayo sa kuryente" sambit ni kuya

"Hindi naman natin ibebenta to diba?" Tanong ko

"Hindi, baka magalit satin si Mommy" sambit ni kuya

"Hahanap ako ng malilipatan" sambit ko

"Pasensya kana Gracie ha, ikaw ang umako ng responsibilidad pag dating sa financial, ang hirap din kasing imanage ng kumpanya ng Daddy eh, okay sana kung tumutulong si Luis kaso nag paka layo eh" sambit ni Kuya

"Hayaan mo na yon kuya" sambit ko

Umakyat na ako sa taas at nag pahinga dahil maaga pa akong papasok bukas. Sinilip ko muna si Daddy kung natutulog na at nakita ko syang nakaupo at nakatingin sa may bintana. Hindi ko na sya inistorbo bagkos umakyat na ako at natulog.

A Mother's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon