Two

316 26 5
                                    

Chapter 2 : The Unsaid Words



Clyden



Papasok na ako ng gate nang makarinig ako ng sigaw ng pamilyar na boses. Walang iba kung hindi yung impakta kong kaibigan. “Sissy!” ani nito. 



“Bakit?” takang tanong ko sa babae. Mukha kasi siyang masaya‚ hindi ko alam kung anong mayroon. Nacrushback ba ‘to? 



“Ang blooming mo ngayon‚ bes. Para kay Ethan ba?” napairap ako sa hangin. Magcocompliment nalang hindi pa sagaran. 



“Ngayon lang? as far as I know‚ araw-araw akong blooming. Bulag ka lang siguro‚ sis.” nagpatuloy na kami sa pagpasok ng gate habang tinatawanan pa ako ng babae.



Nararamdaman ko ang pamilyar na presensya ng isang tao at alam kong siya iyon. Minabuti kong hindi ito pansinin dahil ayaw kong mag-isip ng kung anu-ano. 



Gosh! naalala ko na naman yung nangyari kagabi. Ang kapal naman ng apog niyang gawin akong alipin‚ tsk! talaga lang ha? sa ganda kong ito gagawin lang akong utusan? tanggalin ko kaya apdo niya? 



Pasalamat lang talaga siya at ayaw kong masira ang mukha ko. Kung hindi magmamatigas talaga ako kahit na lalambot-lambot ako. Ipipilit ko‚ may tapang pa rin naman ako kahit onti hindi lang halata. Kung alam ko lang na ganito ang magiging resulta ng pagbanggaan namin edi sana tumingin ako sa dinaraanan ko at umiwas ako sa damuhong iyon! 



“Bulaga!” ginulat kami ng lalaking crush na crush ko‚ hays. Hindi siya bagay manggulat eh‚ feel ko bagay kami. Huy! kayong nagbabasa‚ diba bagay kami?



Yung ginawa naming presentation ay successful and kahit na mahirap ay ipinilit ko. Kinabisado namin halos lahat ng dapat kabisaduhin kagabi‚ almost 12 na nga ako nakauwi dahil nag-aya siyang kumain sa restaurant na malapit lang din sa kanila. Actually‚ naparami nga ako ng kain bes! ang daming masasarap na pagkain eh. 



“Nga pala... Ace‚ nakausap ko si Liam tungkol sa presentation namin‚ okay lang daw na sa place niya tayo gumawa. Okay lang ba kung mamayang gabi na natin gawin?” ani ni Stella. 



“Huh? anong mayroon bakit sa place ni Liam gagawa si Ace?” nagtatakang tanong naman ni Ethan.



“Ah‚ kasi tutulungan ko sila sa math daw na na-assigned sa kanila.” ako na ang sumagot‚ alam ko namang takot si Stella kay Ethan. 



“Bakit hindi mo sinabi sa akin?” tanong nito na nakapagpakilig sa akin. Tingnan niyo guys‚ para na siyang boyfriend ko sa pagka-protective. 



“Sasama ako.” seryosong sabi ni Ethan na hindi naman namin matanggihan. 

Unexpected Love (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon