Ten

173 14 2
                                    

Chapter 10 : Can’t Get Away




Clyden



“Ace! bumaba ka roon‚ baka magkagulo ang kapatid mo at si Ethan!” agad akong napatayo nang marinig ko ang sinabi ni manang. Jusko talaga ang lalaking ‘yon‚ haaay! mapilit ang loko. 



Agad akong bumaba at nakita ko ang dalawa na parehong nagtitimpi sa isa’t isa. Agad kong nilapitan si Ethan “K-kuya… ako ang nagpapunta sa kaniya.” napaawang ako ng labi nang maging ako ay samaan ng tingin ng aking kapatid.



“Pagbibigyan kita ngayon‚ Ace. Pero sisiguraduhin kong hindi na mauulit ‘to. Naiintindihan mo?” tumango ako agad dahil sa pangamba.



“I’m sorry‚ Ethan…” agad kong sambit sa lalaki na seryoso pa rin ang mukha. 



“It’s okay‚ don’t worry about me Ace.” ani nito na alam kong hindi naman totoo‚ sino namang mag-iisip na okay lang yung taong pumutok ang labi? duh! hindi pa ako baliw para maniwala sa kaniya. Nasuntok siya ni kuya. 



Hinila ko ito patungo sa room at sandaling ginamot ang sugat nito bago ko mapagdesisyunang maligo’t mag-ayos na at magsuot ng uniform upang makaalis na rito. “Ethan‚ let’s go!” 



Nang makababa kami ay nandoon pa rin si kuya at nanginginig ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Lalabas na sana kami nang marinig ko ang boses nito. 



“Eat your breakfast‚ Ace.” agad kong tinanggihan ito. Minadali ko ngang maligo para makaalis na‚ tapos kakain pa ako? edi natagalan kami lalo.



“Ginawan naman ako ng sandwich ni manang. Nakakabusog din naman ‘yon‚ bye kuya!” dali-dali kong hinila si Ethan hanggang sa makarating kami sa kotse nito. Ganda pa rin talaga ng kotse nito. 



“Get in‚ Ace.” sabi nito habang may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. Ang pogi talaga niya‚ pero… I no longer have a crush on him anymore. Siguro it’s time to wake up from reality. We’re not meant to be‚ but at least we made some happy memories together as a friend. 



Mabango at maganda rin ang kotse nito pero iba pa rin ang kay Drake. That guy has everything and he himself is everything‚ he’s better than anyone else. Well‚ that’s only for me.



“Gusto mo…” napahinto ito at napatingin sa akin. “...bang kumain muna?” pagpapatuloy nito‚ agad ko rin namang tinanguan. Kanina pa talaga ako gutom‚ tumakas lang talaga ako kay kuya.



“Basta hindi tayo malalate‚ go lang hehe.” 



Nagpatuloy ito sa pagdrive habang ako ay nakamasid lamang sa mga nadadaanan naming lugar. May nakita pa nga akong bata roon‚ kasama ang kaniyang ina. Naisip kong ibigay ang sandwich na gawa sa akin ni manang kaya naman agad kong pinahinto ang kotse kay Ethan. 



“Hi po…” bati ko sa mag-ina. Hindi ko na pinatagal at inabot na ang sandwich dahil baka malate na rin kami. Narinig ko pang nagpasalamat ang dalawa kaya nginitian ko pa ito. 



“You’re so kind‚ Ace.” hindi ko alam kung pure compliment ‘to or hindi‚ mabait naman talaga ako. Duh! kailan ba ako naging masama? 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected Love (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon