Eight

202 16 2
                                    

Chapter 8 : Bad Temper




Clyden



Dalawang linggo na rin ang nakakalipas nang mangyari ang mga ‘yon. And okay na rin kami ni Stella‚ mali pala yung statement ko na ‘si Stella madaling suyuin‚ pero si Ethan hindi.’ kasi bes‚ mas humirap suyuin ang babaitang ‘to! buwisit‚ ang dami ko ring nagastos sa kaniya. Shet! feel ko naubos pera ko kakabili ng peace offering para sa kaniya. Oh my god talaga‚ siszt! 



“Uy! kanina ka pa riyan‚ Ace?” tanong ng lalaking kakadating lang‚ si Ethan. Kanina ko pa kasi sila hinihintay ni Stella.



Honestly‚ nagtatampo ako sa lalaking ‘to. Isang linggo na lang din kasi ang mayroon siya para manatili pa rito dahil after ay magtutungo na siya ng states at doon na maninirahan. Siya kasi ang tagapagmana ng ari-arian ng kaniyang ama‚ dahil wala naman na siyang ibang kapatid. 



Sa amin naman hindi ako namomroblema dahil si kuya naman ang magmamana ng kompanyang iiwanan ng parents namin in the near future. Napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses ni Stella. Nothing has changed‚ napakaingay pa rin ng bunganga ng babaeng ‘to. “Ace!” sigaw nito. 



“Ang tagal natin sis ha?” tanong ko rito na ikinatawa naman ng babae. Aba! anong nakakatawa roon?



“Hehe… oo nga eh… hehe‚ tara na?” nahihiyang sabi nito habang may nakasabit na ngiti sa kaniyang mga labi. 



Nang makapasok sa room ay agad din kaming umupo sa mga puwesto namin except Ethan. Si Stella kasi ang umupo sa tabi ko so no choice siya kung hindi umupo sa tabi ni Liam. Napapangiti nga ako dahil baka nagtatampo rin ang babae dahil aalis na ang kaibigan namin at maiiwan kami. 



“Look beshy‚ binili ko ‘to kagabi. Maganda ba?” tanong ng babae sa akin habang nakanguso pa ang gaga! napatawa naman ako sa itsura nito pero tumango pa rin ako. 



“Maganda… pwede kong i-try?” tanong ko naman‚ agad din naman nitong ibinigay sa akin ang hawak niyang lipstick. 



“Ganda naman ng sissy ko!” sigaw nito na nakaagaw muli ng atensyon ng nakararami. Center of attention na naman ako nito? haaay! ayaw ko na talaga‚ minsan gusto ko nalang maging munggo eh. 



Tumayo ang lalaki at agad na lumapit sa akin na may dala-dalang blangkong ekspresyon. Sa huli‚ ang babaita ay iniwanan ako rito! naku po! traydor!



“What’s that?” seryosong tanong ng lalaki na ikinaawang ng labi ko‚ hindi alam kung anong irarason.



“W-wala… pinatry lang sa‘kin ni Stella‚ hehe. Okay naman ‘di ba?” nahihiyang tanong ko sa lalaki. Nang dumikit ang daliri nito sa aking labi upang punasan ito ay alam ko na ang sagot. Hindi niya nagustuhan ang shade nun.



“A simple liptint will do‚ okay?” napatango na lamang ako roon at walang magawa. Umupo ito sa tabi ko at inakbayan ako‚ may binulong ito pero hindi ko na sasabihin pa. Sa akin lang ‘yon‚ nag-oover share na ako sa inyo ah! tungkol ‘yon sa panganay naming anak… charut!



“Hindi na ba talaga magbabago isip mo‚ Ethan?” tanong ko sa lalaking nakangiti habang nakaakbay sa akin. 



Unexpected Love (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon