Six

248 22 3
                                    

Chapter 6 : Specialty or Special Someone?



Clyden



"You’re alcoholic?" tanong ko sa lalaking busy sa pag-aayos ng mga grocery na kaniyang pinamili kanina.



"Nope‚ minsan lang ako uminom‚ ‘yun ginagawa kong way para makalimot at makaiwas sa mga problema." diretsong sagot naman ng lalaki na nakapagpagulo ng isipan ko. Tama ba ‘yong ganun? hindi ba dapat hinaharap niya yung mga problema para makapag-isip siya ng solusyon?



Haaay! bahala na nga‚ wala naman na sa akin ‘yun dahil personal life niya naman‚ anong karapatan kong makielam doon?



Sandali rin akong naglibot pa sa kaniyang condo nang dumapo ang aking paningin sa isa pang larawan na nakapatong sa side ng table‚ dinampot ko ito at tinitigan nang maayos. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin ngunit tila ba ay nasaktan ako nang makitang may ibang babae sa larawan na iyon. They look so happy... and inlove. Are they together?



Napabalik din ako sa wisyo nang akbayan ako ng lalaki‚ at dumapo rin ang tingin nito sa aking hawak. "A-ah‚ wala ‘yan." kinuha nito ang larawan at hinatak na ako papunta sa kung saan.



"Try this." iniabot nito sa akin ang isang baso na sa tingin ko ay naglalaman ng wine. Agad ko rin namang tinanggihan kasi bawal ‘yon‚ baka mapagalitan ako ni kuya. Kahit naman wala siya rito susundin ko pa rin ‘yong mga sinasabi niya. Baka hindi niya na ako pagkatiwalaan kapag sinuway ko siya.



"I don't drink wine‚ i'm sorry."



"Mild lang 'to‚ hindi ka malalasing. At isa pa‚ you're with me‚ why so scared?" napataas naman ako ng isang kilay sa sabi ng lalaki habang ang loko ay pangisi-ngisi pa.



"You're the one i'm worrying about‚ if I get drunk you could... you know." and of course‚ alam niyo ang pinupunto ko. Marami akong kilalang lalaking kagaya niya. Not to mention Liam!



"Okay‚ if you can't trust me then I won't force you. Pero baka gusto mong tikman luto ko‚ baka lang naman?" hindi na ako tumanggi roon‚ baka mas lalong malungkot ang loko kapag tinanggihan ko pa. At isa pa‚ he's short tempered as far as I could remember‚ doesn't he?



"Sure ka bang masarap ang luto mo? pag hindi 'yan masarap‚ bahala ka." agad naman itong napatawa sa aking sinambit. Ang lalaki ay agad na dumiretso sa kitchen at naghanda.



"Don't underestimate me‚ lovey. Baka hindi ka na umuwi kapag natikman mo 'to. Specialty ko pa naman kaya siguradong masarap." napangiti na lamang ako roon.



"Don't be so mayabang‚ Drake. I haven't tried it yet‚ baka mamaya it turns out different... baka lang din." pang-aasar ko naman na naging dahilan ng pagsimangot ng lalaki.

Unexpected Love (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon