Nine

181 15 3
                                    

Chapter 9 : The Long Awaited Confession




Clyden



Naririto ako ngayon sa kuwarto ko at pinagkakaabalahan ko ang mga damit ko na binili ngunit isang beses ko lamang naisuot‚ minsan nga hindi ko pa naisuot eh. Wala lang‚ naisipan ko lang maghalungkat kasi… hindi ko rin alam‚ actually. Siguro naboboring lang ako kaya ganito.



Sinusukat ko isa-isa ang mga damit na iyon upang malaman kung bagay sa akin or hindi. Pumili ako ng isang oversized shirt at peach ang color nun‚ and sa bottom naman ay ‘yong short na medyo ano… medyo maikli. Mas short pa sa short‚ you know?



“Ace! hinihintay ka ng kuya mo sa baba‚ time for dinner.” narinig ko ang pag-sigaw ni manang yoli kaya naman minadali ko ang pag-aayos upang makababa agad. 



Huy! hindi ako nagpapaganda para kay Drake ha‚ baka kung ano ng iniisip ninyo riyan. Hindi ko pa siya crush! si Ethan pa rin ang crush ko! 



Telege be?



Nang makababa ako ay nakatunganga sa akin ang dalawang pangit. Ako na lang nga talaga ang hinihintay nila. Pa-vip kasi ako. Sorry! umupo na ako sa tabi ni Drake dahil sinenyasan niya ako‚ mukha bang may magagawa ako? hindi pa rin kasi ako sigurado kung tapos na ‘yong napag-usapan naming tungkol sa pagiging alipin ko raw. Atsaka‚ natatakot pa rin ako sa kaniya ‘no!



“Bakit ang tagal mo baby princess?” diretsong tanong sa akin ni kuya na agad ko rin namang sinagot. 



“Uhm‚ sinukat ko po yung mga damit kong binili. Look kuya! ang ganda pa rin ‘di ba?” tumayo ako upang makita niya ito nang mabuti ngunit agad naman akong napaupo nang hatakin ako paupo ng lalaki sa tabi ko. 



“Ang ikli ng short mo‚ lovey.” 



“Duh! it was called short for a purpose‚ my gosh!” pagsusungit kong muli na ikinaseryoso ng lalaki‚ napatahimik ako sa isang masamang tingin nito. 



“Ehem… baka nakakalimutan ninyong nandito ako.” pagsingit ni kuya na nakapagpatigil kay Drake. ‘Yan! lagot ka impakto! lagot ka sa kuya ko!



“We should eat now‚ para makainom na rin tayo.” sabi ng aking kuya‚ referring to Drake. Nagsimula na rin naman kaming kumain. 



Puro masasarap ang pagkain na nakalatag doon kaya naman nilantakan ko rin. Wala akong pakielam kahit ma-bloated ako‚ nakaoversized naman ako so hindi halata hehe. 



Mayroong adobo‚ my god! ngayon ko lang ulit nakita ‘yon sa table ha. It’s been a long time since natikman ko ‘yon. Gaya ng chicken curry‚ ang adobong luto ni mommy pa lang din ang natikman ko. Bakit kaya ngayon lang ‘to niluto ni manang? ay! hindi naman pala ako nagrequest ng ganito. 



Tinikman ko na nga ito at hindi ako nabigo‚ napakasarap. Haaay! namimiss ko na tuloy si mommy and syempre si daddy. They used to spoil me by giving me anything I want. Pero ngayon‚ mas busy na sila sa business. Sabi nila ilang buwan lang silang magtatagal doon pero isang taon na ang nakalipas. Grabe naman ‘yang ilang buwan na ‘yan at umabot ng taon.



Nagpatuloy kami sa pag-kain until kuya’s phone rang. Agad din naman niya itong sinagot kaya kaming dalawa na naman ni Drake ang naiwan. Gurl? naulit na naman? deja vu‚ oh my gosh! 



Unexpected Love (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon