Seven

199 19 0
                                    

Chapter 7 : What is Love?




Clyden



“Baby princess‚ you’re finally here. Kagabi pa ako nag-aalala sa‘yo.” napataas ako ng kilay doon. Bakit naman siya nag-aalala sa akin? siguro wala rin siyang tiwala sa lalaking ‘yon. Sabi na eh‚ hindi talaga mapagkakatiwalaan yung impakto na ‘yon.



Nakabihis na ako at papasok na ng univ. nang makasalubong ko ‘tong kuya kong pangit‚ hehe. Nagbe-breakfast lang ako at aalis na rin.



“Kuya‚ you know? mas lalo kang pumangit sa eyebags mo. May pinagpupuyatan ka ba?” tanong ko kay kuya na malaki ang dala-dalang bagahe sa kaniyang dalawang mata.



“Luh! ang sama mo naman‚ baby princess.” napatawa naman ako roon. Hanggang ngayon talaga ganoon pa rin ang tawag niya sa akin. Hindi ba siya nahihiya? well‚ masarap naman pakinggan kahit medyo… basta!



Sandali itong humigop sa kaniyang coffee bago ako tingnan muli. “Anyway‚ nasabi sa akin ni Drake na sa kaniya ka sasabay sa pagpasok at pag-uwi. May namamagitan na ba sa inyo‚ hmm?” napasinghal ako roon. Lord! please lang‚ huwag niyo po muna akong subukan ngayon kasi naguguluhan po talaga ako.



“Huh?! ang kapal talaga ng mukha‚ desisyon ang gago!” inis kong usal. 



“Oops‚ bad word. Kanino mo natutuhan ‘yan?” napangiti nalang ako bigla‚ kuya ko na nga pala ang kaharap ko kaya bawal na maging masama. Haaay! yung lalaking ‘yon‚ masasampal ko talaga siya nang back to back‚ front to front‚ at 360 degrees! 



“Sorry kuya‚ una na ako.” pagpapaalam ko at kinagatan ko ang sandwich na ginawa sa akin ni manang. Sarap pa naman‚ sayang ‘yon. Gusto ko na kasing makaiwas sa mga tanong niya‚ duh!



“How’s your sleep‚ lovey?” tanong ng lalaki. Talaga nga naman‚ tinatarantado talaga ako ng mundo. Bwisit naman oh! nakakapanggigil talaga! 



“Why do you ask? sa condo mo ‘ko natulog kagabi‚ duh!” pagsusungit ko sa lalaki na ipinagtaka niya. 



“Hmm? why so sungit?” tanong nito na mas lalo kong ikinainis. Nagtatanong pa‚ tanggalan ko kaya ‘to ng leeg? hindi na ako nagsalita pa at sumakay na sa kotse niya. Pinag-off na kasi ni kuya yung driver ko‚ ano pang choice ko kung hindi sumakay muli rito? 



“Sinong may sabing gusto kong sumabay sa‘yo sa pagpasok at pag-uwi? aber?” inis na inis kong utal habang naglalagay ng liptint and onting powder. 



“Sabi mo kaya ‘yun kagabi‚ tinupad ko lang.” napataas ulit ako ng kilay‚ ako? may sinabi ako kagabi? pinilit kong alalahanin ang lahat ngunit wala talaga. Ang tanging naaalala ko lang eh ‘yong binigyan niya ako ng damit na pangpalit. 



Meron pa bang iba? 







Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang paborito kong kanta kaya naman sinabayan ko ito‚ underrated kaya maganda. 



Kaya ngayon puno ng ligaya

Bawat oras huwag natin sayangin

Tayo bumuo ng bagong tadhana

Kay tagal kitang hinintay

Nalungkot nang matagal na panahon

Mga pait ng kahapon mga sugat na naghilom naging tulay

Unexpected Love (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon