TGS: Mommy

183 18 332
                                    

Trigger Warning: This chapter contains sensitive information and scenario regarding panic/anxiety attacks that readers may find disturbing.

Please read at your own risk.


I never knew joining the screening would be this boring. Sana pala ay natulog na lang ako sa bahay, it's Saturday yet nandito ako sa school para sa screening.


Well, it's a good thing per se, at least I won't have much encounter with my mother at home. Last friday was a disaster, I tell you! Kahit ang mga sumunod na araw ay hindi niya na ako tinigilan!


I examined the guy in front being instructed to turn around for the initial screening, which is of course – the physical appearance. It's very important! Tinagilid ko ang ulo ko bago nilaro ang ibaba ng aking labi, sumulyap ako sa katabi bago umiling,


"Next," pagpag ko nang kamay,


Nilingon ko ang folders na nakalatag sa table na nasa harap ko, bakit sobrang dami pa nang nakapila? Dalawang oras na kaming nandito ah! It's also a Saturday, iilang course lang ang mayroong klase ng Sabado kaya imposibleng ganito pa karami ang nakapila sa labas!


"Pwedeng magbreak muna?" bagot kong tanong sa organizer ng event. Aligaga ang pagtango niya sa akin na tila ba natatakot. I stood up from my seat and went to the corner wall kung saan may table na nakahanda at may snacks


"Bwisit, walang matino!" mahina kong bulong habang papalayo


Narinig ko ang pagtikhim mula sa likuran ko habang nagsasalin ako ng coffee galing sa coffee machine, "I feel you baby girl. Ewwy ang mga boys, I was kinda expecting hunks!" halakhak ni Paris


Paris is a She and a He, I don't know how to explain it but he was born as a He yet grew up as a She. Mabuti na lang talaga ay pasok ang physique niya para mapagkamalang babae. I cannot imagine Paris with well-defined muscles, pakiramdam ko ay masusuka ako tuwing makikita ko siya!


I'd rather call him Pablo than Paris!


Settling with she, Paris will be my handler. We've met each other last week – ever since my mother took care of everything that I will be needing for the competition. Napag-alaman ko rin na siya ang handler ni Mommy noong nagsisimula pa ito sa mga maliliit na pageant hanggang sa malalaki.


I don't want to have her at first pero narealize ko na kakailanganin ko nga iyon tuwing practices, hindi rin naman ako maalam dito kaya hindi na ako nagreklamo.


Today's the 3rd day of auditions, hindi ako nakakadaan noong weekdays due to my hectic schedule. Hence, my availability on weekends are their utmost priority. Kaya ba ganyan karami ang tao sa labas?


Unfortunately, sa dami nang nag-apply ay dalawa pa lang ang pumapasa sa mga criteria na hinihingi ko sa kanila. I may be choosy but hey, I don't want to be a failure. Sigurado ako sa sarili ko kaya I need to have a good partner too! Isa pa, Beaddleton University is gifted with a lot of good-looking guys, not to mention – hella rich too!


"I know right," I flipped my hair, making her laugh. Bakit ba lagi niya akong tinatawanan?


Dahil sa paghingi ko ng break ay napilitan ang lahat na magpasya sa pagkakaroon din ng break bago ituloy ang screening, I excused myself and went straight to the restroom. I need to do a retouch, masyado na akong nasestress doon. Pakiramdam ko ay haggard na ako!


Halos tumili ako at tuluyang napaatras pagkapasok ng pintuan, talagang dito pa nila naisipan gumawa ng milagro? Dahil ba tago ang comfort room na ito?


The Girl Suitor [ON GOING]Where stories live. Discover now