TGS: Seen

149 17 235
                                    

"So.. is it a yes or a no?"


Humalukipkip ako habang nag-abang sa sagot niya. This is a first, madalas ay hindi pa ako nagtatanong mayroon na agad sagot. Feeling entitled naman masyado nito,


I'm about to scowl at him again when I was taken aback because of what he said, "Sinong hihindi sayo? Of course, I'm now your boyfriend!" he lifted me up at pinaikot-ikot. Natatawa ako sa reaksyon niya, maybe because among 93 of them, siya lang ang ganito ang reaksyon.


Well, feeling ko nga achievement 'to dahil halos isang buwan ko din niligawan ito. Kaya naengganyo akong manligaw uli kasi naman itong isang 'to may thrill na ligawan hindi yung sasagot agad. May pa-suspense ba?


"Put me down," natatawa kong sabi


My 94th victim


He apologized at mabilis akong ibinaba, he immediately held my hand and pulling me inside the cafeteria, "Want something to eat? My treat." nakangiti niyang alok


Walang-alinlangan akong ngumiti, "Oh sure," I sexily smiled.


Oo sexy na ngiti, ako lang nakakagawa nun.


Pagdating sa canteen, tila lahat ng ulo ay umikot patungo sa pinasukan namin. I instantly gained spotlight just by having Geoffrey on my side. Saka ko lang naalala na dahil matagal na noong huli akong nagkaboyfriend kaya usap-usapan na ang tuluyan kong pagbabago.


And now this..


Changing yourself to please others is hard, at least for me. Mas mabuti pa siguro kung ganito na nila ako nakilala pero pakiramdam ko habang tumatagal ay sarili ko na lang ang niloloko ko. I can't even stop myself from retorting back whenever I hear side comments that I'm fake and pretending to be good only.


Maybe I don't need to change myself to deserve someone better. Kasi kung para siya sa akin, he'll accept whoever I am. Either the good Jasmine or the bad Jasmine, hindi naman kailangan palaging tayo ang mag-aadjust.


Ngumiti ako sa mga kabarkada ni Geoffrey pagdating namin sa pwesto nila, he was about to ask me kung maaari bang doon na lang kami manatili pero agad ko iyon tinanggihan, "I have to find my friends.."


"Excuse me," ngiti ko saka umamba sa pag-alis, hinalikan ko siya dahilan para tuksuhin siya ng mga kabarkada. Ang iilang mga babe ay tumili, hindi lang ako sigurado kung dahil ba iyon sa kilig o inis dahil sa ginawa kong eksena


Nonetheless, who cares?


Mabilis akong tumalikod at nakita ang kumpulan ng mga tao malapit sa kinaroroonan ko, I boringly rolled my eyes, "Out of the way!" automatikong nahawi ang kumpulan ng mga tao sa gitna. I mentally smirk, I missed this!


I quickly snatched my phone and called Helena, it only took her 3 rings to answer my call, "Bitch!" I shrieked, mabilis kong tinakbo ang cafeteria papunta sa elevator. I panted as soon as I got into the elevator

The Girl Suitor [ON GOING]Where stories live. Discover now