Kabanata 8

56 4 3
                                    

Jane Elliot's Diary
(Jane's point of view)


"Nesta... Nesta," bulong ko sa pangalan ni Nesta. Kanina lang ay wala siyang tigil sa pagsasalita tapos nung ako na ang mag ki-kwento, tulog na siya.


"Tulog ka na ba?" I asked.


Walang sumagot. Huminga ako nang malalim bago umupo, "iinom ako sa baba, samahan mo 'ko."


Wala pa ring sagot. Muli akong huminga nang malalim bago siya titigan nang matagal sa pagbabakasakaling gising pa siya pero hindi na nga.


Mukhang mag-isa akong bababa ngayon. Bitbit-bitbit ang lampara, mabagal akong naglakad papalapit sa pinto para sana lumabas at uminom sa baba, ngunit sakto pagbukas ko ay siyang pagbukas din ng pinto ng silid ni Heather. Napaatras siya pagkakita sa akin, ganoon din ako na sobrang nagulat na makita siya ngayon, sa kalagitnaan ng gabi, kung saan walang ibang gising maliban sa aming dalawa.


"J-Jane... Miss Jane," she said, running out of breath.


"Miss Heather, hindi ko inaasahan na makikita kita ngayon," may halong pagbibiro sa tono ko pero hindi siya ngumiti o tumawa.


Hindi ko alam kung maglalakad na ba ako o ano. Mukha siyang takot na takot.


"Do you need something?" she asked.


"Water, I need water," parang hiningal agad ako.


"Follow me, Miss Jane," hindi ko makita nang malinaw ang mukha niya sa dilim ng pasilyo na nilalakaran naming dalawa.


"Be careful," she whispered in a soft tone.


Naglalakad na kami pababa ng hagdan nila, ni hindi maalis ang tingin ko sa kanya.


"Come here."


Ilang beses akong kumurap sa pagbabago ng boses niya, malayong-malayo sa malambot niyang boses noong unang beses ko siyang nakita. Mas malalim ang boses niya ngayon, at medyo magaspang, ang sarap pakinggan.


Please do not stop talking.


Iniabot niya sa akin ang isang basong tubig na kaagad ko namang ininom sa sobrang uhaw. Hindi ako mapakali sa kadahilanang nakatingin lang siya sa akin, hindi ko alam kung may sasabihin ba siya o may hinihintay ba siya sa akin.


"Hindi ka iinom?" tanong ko matapos mapansing itinabi niya ang baso.


"I'm not... thirsty."


"Then... What's the reason — pardon me," I said, snapping my fingers.


Masyado na akong nakikialam sa buhay niya.


"I can't sleep."


Isinandal ko ang katawan ko sa may pintuan at ipinagkrus ang kamay ko sa may dibdib. "Me either," I said, slowly, trying to watch her reaction.


"I... I was reading your prose, iyon ang ginagawa ko bago ko buksan ang pinto kanina," pag-aamin niya na nagpatulala sa akin.


I gulped while listening to her.


"I cannot sleep perhaps because you're here."


So, it's my fault.


"Should I go?" Hindi ako nag-iisip nung tinanong ko siya.


Hindi makapaniwala siyang tumingin sa akin at tipid na ngimiti. "No," kamot niya sa batok niya, "you can stay here, kahit kailan mo gusto. Naninibago lang ako na nandito ka."


Hopeless shadow and Golden urns # 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon