Kabanata 43

24 4 1
                                    

Woman with a heart to love



It was?



Ano naman ang ibig niyang sabihin sa bagay na iyon?



Hindi na muna ako pumasok sa loob ng bahay at mas piniling manatili muna rito sa labas. Malawak ang bahay nila Marcia, sigurado ako na nakakatakot ang labas nila tuwing gabi lalo pa at wala man lang bahay sa malapit.




"Koga," mabilis kong inilipat ang tingin kay Nesta na mabagal na naglalakad papalapit sa akin.



Hindi ko pa naibubuka ang bibig ko para itanong kung maayos lang ba ang naging usapan nila ng kapatid, bigla na niyang ipinatong ang ulo sa braso ko.



Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ako gumalaw para hindi siya maistorbo.



Hindi ko alam kung anong usapan ang nangyari sa loob, gustuhin ko man na itanong kay Nesta lahat, natatakot naman ako na baka may mapakialaman ako na hindi ko na hindi dapat pinapakialaman.



"Pinipilit ko siyang bumalik sa bahay namin, pero palagi siyang umaayaw," putol ni Nesta sa katahimikan.



I lick my lips before gently patting her back.



Sigurado ako na kahit ano ang sabihin ko kay Nesta ngayon, hindi iyon magiging sapat para pakalmahin siya kaya mas pinili kong manahimik.



"She thinks that man owns her," saktong pagkasabi ni Nesta ay siyang paglapit sa amin ni Lana na nakay Nesta lang ang tingin na hanggang ngayon ay nakapatong pa rin ang ulo sa balikat ko.



"She is being dependent on him. He is hurting her, oh lord, I know Marcia and she is not this foolish," inis na sabi ni Nesta.



Wala akong masabi, kahit pa ang daming pumapasok sa utak ko ngayon. Gusto kong sumang-ayon kay Nesta pero gusto ko ring intindihin si Marcia.



"But she loves him," nanigas ako sa kinatatayuan ko matapos marinig ang iyak ni Nesta bago ko tuluyang ilipat ang tingin kay Lana na diretso lang ang tingin kay Nesta.



"He is not the man worthy of such feelings from my sister. I want him dead."



...



"Nesta—"



"My sister is pregnant but he keeps on beating her, he is not even here for her! What do I call him if not evil?"



...



Hindi ako makapaniwala sa narinig kay Nesta. Hindi ko alam na buntis si Marcia, walang nakalagay sa diary ni Jane kaya inisip ko na wala siyang anak.



No way, this is just cruel.



"Talk to her, staying here is not a good idea," hindi ko na napigilan pa ang sarili at mabilis iyong sinabi.



Nang humiwalay sa akin si Nesta, nakita ko ang mabilis niyang pagtango bago tumakbo papasok sa bahay. Sa pangalawang pagkakataon, naiwan na naman kaming dalawa ni Lana.



Nanlambot ang tuhod ko sa nalaman at mabilis na napaupo sa mahabang kahoy na upuan.



"You immediately change your mind after hearing she is pregnant," Lana said before sitting beside me.



"Well, I think anyone will," I breathed.




"Sa tingin mo ba tama ang naging desisyon ko na sabihin 'yon kay Nesta?" nag-aalala kong tanong.



Hopeless shadow and Golden urns # 1Where stories live. Discover now