Kabanata 30

38 4 0
                                    

Figure of Dream


Hindi natuloy ang plano ni Lana na hindi pagsabay sa amin dahil sa naging desisyon ko na pagsama sa kanya. Naisip niya na mas maganda kung bukas na lang siya aalis para may oras pa ako para ayusin ang mga dadalhin ko.


Gabi na at halos isa-isa na ring nagsisi-uwian ang mga bisita. Nakatayo ako sa tabi ni Nesta na halatang inaantok na.


Nagpapaalam na ngayon sina Mr. at Mrs. Elliot sa pamilya ni Heather habang tahimik naman kaming nakatayo nila Jane habang hinihintay silang matapos.


Inilipat ko ang atensyon kay Gael na seryoso lang ang tingin sa malayo.


Kumusta na kaya siya?


He sounded desperate earlier when he asked Levi.


Sana lang ay hindi dibdibin ni Gael ang sinabi sa kanya ni Levi.


Ilang minuto pa ay lumabas na rin ang mag-asawa, tapos na rin sila mag-usap.


Wala na kaming sinayang pa na oras at mabilis na umuwi. Wala na halos nagsasalita pa sa amin siguro dahil sa pagod na sinamahan pa ng antok.


Katabi ko si Nesta na nakapatong ang ulo sa balikat ko sa buong oras ng biyahe.


Nang huminto na kami sa wakas sa tapat ng bahay, mabilis na ginising ni Jane ang kapatid sabay hingi sa akin ng tawad dahil sa paghiga ni Nesta sa balikat ko.


I almost laugh while watching Jane's reaction.


Pasimple kong hinintay si Lana na siyang pinakahuling lumabas ng karwahe. Nang makitang nakalabas na siya, at tsaka lang ako naglakad papasok ng bahay.


Gabi na at inaantok na ako pero inuna kong ayusin ang mga gamit na dadalhin bukas, hindi naman ganoon karami. Sinigurado kong hindi ko maiiwan ang talaarawan ni Jane, mahirap na kung makikita niya ito sa akin.


Halos hindi ako makatulog kahit anong pilit ko. Hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko matapos marinig ang tinugtog ni Lana kanina.


She's right, I love that tone.


Bumangon ako at kinuha ang papel na para ko na ring talaarawan at mabilis na isinulat ang mga nangyari.


Nangako ako na wala akong ibang pagtutuunan ng pansin maliban kay Jane, kaso ngayong naisipan kong sumama kay Lana, kahit pa sabihin ko na araw-araw pa rin akong makakabalik sa bahay nila, ang hirap pa rin.


Paano ko na lang siya masusubaybayan?


Mahina kong sinabunutan ang sarili at kinuha ang lampara sa tabi ng lamesa para bumaba matapos makaramdam ng uhaw.



Isa sa mga pinaka-ayaw ko ay ang pagbaba sa bahay nila Jane tuwing madaling araw. Sobrang laki kasi ng bahay nila at tahimik, nakatatakot.


Mamaya kung sinong makasalubong ko rito.


Napahawak ako sa dibdib ko matapos maabutan si Jane sa loob ng kusina. Madilim na pero kagaya ko ay may lampara rin sa tabi niya. Nakaupo siya ngayon, nagsusulat sa... sa talaarawan niya.


Maliban sa diary niya ay may isa pang kwaderno sa tabi niya.


Parehas kaming nagulat sa presensya ng isa't-isa, mabilis siyang tumayo.


"Koga?" she asked, slightly astonished.


Peke akong tumawa bago kamutin ang batok ko. "Hi?"


Hopeless shadow and Golden urns # 1Where stories live. Discover now