Kabanata 23

43 4 1
                                    

Sweetest Frame


Sumunod na araw, halos wala akong marinig na nagsasalita sa kanilang lahat pagkababa. Lahat sila ay abala sa kung ano-ano. Nagbabasa si Mr. Elliot at Lana sa may hardin na matatanaw ko lang mula rito sa kinatatayuan ko. Nasa kusina naman si Mrs. Elliot, at ang magkakapatid naman ay halos walang buhay na nakaupo sa sala.


Biglang nagliwanag ang mukha ni Nesta pagkakita sa akin. "Koga!" Pagkasigaw niya sa pangalan ko, sunod na tumingin si Jane at Basil.


"Mamaya tayo aalis ah," akbay niya na palagi niyang ginagawa.


Kunot-noo akong tumingin sa kanya, "ahh, theatre?" I asked her.


"Yes," mabilis nitong tango. "Maganda kung hapon tayo pupunta para hindi na nakamamatay ang init sa labas, kaya naman naisipan kong imbitahan ang ibang kaibigan para naman may magawa tayo rito."


Sa oras na sabihin iyon ni Nesta, biglang tumayo si Basil sabay tingin sa kapatid. "Kaibigan? Sino?" his eyes narrowed.


Nesta raised a brow and smiled. "Mr. Levi, Dimitri, and Miss. Heather."


Line appeared between Basil's brows, "you invited Dimitri?" he looks frustrated.


"I know you do not like him, but we do."


Ilang beses kumurap si Basil, halatang hindi makapaniwala sa narinig kay Nesta. Maya-maya pa, biglang nagsalita si Jane.


"What are you planning to do?" Jane's forehead creased.


Mahinang tumawa si Nesta sa biglang pagkakaroon ng interest ng mga kapatid bago humiwalay sa pagkakaakbay sa akin.


"Romeo and Juliet play—"


"Again? No. Not that, never," pagpuputol ni Basil na biglang bumalik sa pagkakaupo. Nalilito naman akong tumingin sa kanilang lahat.


"Come on, Basil. Opinyon mo ang sinunod noong nakaraan, opinyon ko naman ngayon."


Play...


Romeo and Juliet...


Tahimik kong hinulaan kung ano ang balak nilang gawin. Gamit ang dalawang salita, nagkaroon ako ng ideya pero hindi pa rin ako sigurado.


"We have Lady Lana Margaux this time, this is going to be perfect!" Nesta started clapping.


"Fine, but I will be the one to choose the characters—"


"No need my dear brother, I have all the characters that I think will suit everyone in my head. All I want you to do is sit and follow your sister."


Tumango lang si Basil at tahimik na bumalik sa pagbabasa. Ilang minuto pa ang lumipas ay tinawag na kami ni Mrs. Elliot para sa pagkain ng agahan.


Tahimik na umupo sa harap ko si Lana, sa tabi ni Gael. Matangkad si Gael, pero ngayong malapit sila ni Lana sa isa't-isa, ngayon ko lang napansin na halos magkasing-tangkad lang ang dalawa.


"Lady Monet invited us for a cup of tea this morning, Basil you want to join us?" tanong ni Mr. Elliot sa anak na lalaki na biglang umiling.


"Sorry father, I can't," sagot niya bago ilipat ang tingin kay Nesta na halatang nasiyahan sa sagot ng kapatid.


Naging ugali ko na ang pagmasdan ang bawat isa, pakiramdam ko kasi malaking tulong ito sa akin.


Hopeless shadow and Golden urns # 1Where stories live. Discover now