PROLOGUE

40 7 0
                                    

Prologue:

GABB'S POV:

Malamig at Malakas na simoy ng Hangin sa tanghaling tapat. Naglalakad kami papuntang cafeteria para bumili ng Pagkain habang Inaayos ko ang hangang balikat kong buhok na nagulo dahil sa malakas na Hangin. Kasama ko si Ate Brei na um-order ng Pagkain at Sabay kaming naghahanap ng mapagtatambayan.

Nilibot ko ng tingin ang Cafeteria at Wala akong makitang pwesto dahil punong puno ng mga High School student at Senior High school student na nagk-kwentuhan, kumakain at Yung iba nakatambay lang. Nakakahiya Naman kung paalisin namin bigla eh Hindi Naman kami Ang may-ari ng buong cafeteria. Naisipan nalang namin ni Ate Brei na lumabas at sa Labas na ng Cafeteria maghanap ng magpatatambayan.


"Uyy Gabb! doon Tayo oh!". Turo ni Ate Brei sa bakanteng lamesa at upuan sa Ilalim ng isang malaking puno. Sapat para makasilong kami.


"Sige." Pag sang-ayon ko.

Habang naglalakad kami papunta sa puno, Nakita ko Coleen na nakaupo sa bench at parang may hinihintay. Medyo malayo siya sa amin kaya siguro hindi rin napansin ni Ate Brei.

Hindi na namin siya ginulo at hindi ko rin sinabi kay ate Brei na nakita ko siya dahil alam kong mauubos na naman ang oras namin kaka kwentuhan. Ilang linggo narin kasi nung huli ko siyang nakita. Mas lalo siyang gumanda ngayon.

Lagi naman siyang maganda sa paningin mo Gabb. Wala namang Oras na Hindi. HAHAHA!

Napangiti ako sa naisip ko. Gusto ko nga talaga siya. Pero di niya alam yun, kasi ayokong malaman niya... Ayokong masira yung friendship naming dalawa... Ayoko na layuan niya ko at alam ko rin na hindi niya ako pipiliin...


Ouch! :(


Kaya kapag pinili ka ng isang tao, edi sana all. Ako kasi, ni minsan hindi pinili (paano ka pipiliin eh hindi ka naman umaamin?)


But.. I chose to choose her every single day kahit alam kong iisipin ng iba na nakakadiri ako kasi babae ako at nagkagusto ako sa isang babae pero wala eh, my mind wants to forget her and find someone else but my heart choose her everyday. Araw-Araw ko siyang pinipili kahit alam kong hindi ako yung pipiliin niya. Pinili ko ding itago toh sa iba kaya sila Ate Brei at ate Lei lang ang nakaka alam.


"Gabb you should stop thinking about her, alam mong literal na straight si Coleen Diba?" Sambit ni ate Brei Habang kumakain ng burger at Fries na binili namin sa cafeteria. We're sitting near the basketball court while watching Josh and Coleen flirting.

Yes po, opo. Hindi kayo nagkakamali..
Naglalandian sila habang naglalaro ng basketball.

Inaagaw ni Coleen yung bolang hawak ni Josh habang nagtatawanan. I wonder, Siya Pala yung hinihintay ni Coleen kanina :(

"GAAABBBBB!"

Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni ate Brei. Tinignan ko siya ng masama. "What is it? Bakit bigla- bigla ka nalang sumisigaw?"

"Because you're not even listening. Kanina ka pa nakatingin kanila Coleen at Ako naman kanina pa salita ng salita, Hindi ka naman pala nakikinig. Listen, Coco like boys not girls Gabb, huwag ka nang umasa. Look at them". Ate Brei said and pointing Coleen and Josh. Agad naman akong tumingin kanila Josh at Coleen na nagkukulitan parin sa Court. "She look so happy with him. Just be happy with her too."

Shelter My Homeless Heart Where stories live. Discover now