Chapter 2

39 6 6
                                    

Chapter 2: Confused

GABB'S POV:

"Hel-llo ate Lei.."

"Gabb? Umiiyak ka ba?" Tanong ni ate Lei sa kabilang linya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kaya bigla akong humagulgol. Kay ate Lei ko lang talaga nalalabas tunay na nararamadaman ko. Hindi Naman Malala pero yung iyak ko, para akong namatayan ng alagang hayop.

What the hell Gabb? Napaka babaw mo...

Ilang minuto akong umiiyak habang katawagan si Ate Lei. Wala nagsalita sa aming dalawa. Ate Lei patiently waiting for my response. Huminga ako ng malalim at tinawag ulit ang pangalan niya.

"Ate Lei.." Mahinang Sabi ko.

Bumuntong hininga si ate Lei sa kabilang linya. "What happened Gabb?" She said with a serious tone. Bakas sa boses ang pag-aalala.

"About Coleen ate.." Ani ko. Pinipigilan ang mga luha ngunit ayaw parin huminto. "She already like someone.."

"Huh? Sino naman?" Tanong ni ate Lei sa akin.

"Si Josh Cullen ate, schoolmate namin.." Sagot ko kay ate Lei habang patuloy parin sa pag-iyak. Sa rooftop na ito, Saksi ang araw sa pawis na dumadagusdos sa aking katawan at luha na pumapatak galing sa aking mga mata.

"Ate..Anong dapat gawin ko? Should I stay away?" Pabalik na tanong ko sa kanya. Alam ko na ang sagot, Alam kong kailangan kong lumayo ngunit gusto kong pakinggan ang payo ni ate Lei para sakin.

"Yes Gabb, you have to stay away..." Mahinahon ngunit madiin na sabi ni ate Lei. "Kailangan mong umiwas para hindi na lumalim pa at para tuluyan na ring mawala."

Tumango-tango ako sa sinabi ni ate Lei. Kailangan kong umiwas muna para hindi na mas lumalim pa..dahil alam kong may Mali sa nararamadaman ko...Mali ang magustuhan ko si Coleen. Sa iba ayos lang ngunit karamihan sa mga tao, Hindi Tama na magustuhan ko siya kaya hanggat maaga pa, Pipigilan ko na.

Pipigilan ko para sa ikabubuti ng lahat. Para sa ikabubuti ko at sa ikabubuti rin ni Coleen. Hindi na ako masasaktan at magpapatuloy ang pagkakaibigan naming dalawa. Tama ang desisyon kong lumayo muna...

Siguro pili lang ang mga taong nasa ganoong relasyon. Ang swerte nila ate Abby at ate Sela. Kaya nilang ipaglaban Pagmamahal nila para sa isa't Isa. Ako... Hindi kasing lakas nila. I'm not strong enough to fight for my happiness lalo na kung ako lang ang lalaban. I can't win.

Hmm...Pinanganak lang siguro ako para kiligin at maging Masaya para sa relasyon ng iba..

Isa't kalahating oras kaming nag-usap ni Ate Lei sa telepono. Nag k-kwento Siya ng mga kung anu-anong bagay para gumaan ang pakiramdam ko. Malelate na din naman ako sa isang subject namin kaya Hindi nako tumuloy at nanatili nalang sa rooftop. Nang tignan ko ang oras, napagdesisyunan ko nang bumaba at bumalik sa room dahil malapit nang magsimula ang next subject.

Saktong pagpasok ko sa room ay Wala pa yung prof namin. Napabaling ng tingin sakin ang mga kaklase ko pati rin si Amy ay napatingin sakin.

"Ate Gabb Saan ka galing? At tsaka Bakit namamaga yung mata mo?" Nag aalalang tanong ni Amy.

"A-after ko kasing umihi, naisipan kong umakyat sa rooftop para magpahangin tapos Yun..habang nagpapahangin, Naalala ko Lola ko" Pagdadahilan ko kay Amy.

"Ahhh" Sabi niya pero mukhang hindi Naniniwala. Hindi na ako nag salita pa at nakinig nalang kay prof na nag d-discuss sa harap.

Pagkatapos ng klase ay agad akong tumayo para umuwi. Hindi ko na tinawagan si Yaya Nelia. Gusto kong mag commute ngayon. Hindi taxi kundi literal na commute talaga. Isang sakay sa Jeep at dalawang sakay sa trycicle Bago ang Village namin. Lalakarin ko nalang siguro papasok kapag ibinaba nako ng Driver.

Shelter My Homeless Heart Where stories live. Discover now