Chapter 3

16 2 0
                                    

Authors note: Hayss! After many months nakapag update din! Huhu.. sorry kung natalagan. Enjoy reading :)

Chapter 3: Inlove

GABB'S POV:

Nagulat ako sa tanong ni Coleen. Kaharap ko Siya ngayon at Seryoso paring nakatingin sa akin. Gusto ko sabihin sa kanyang 'Oo Coleen.. iniwasan kita' pero may parte sa akin na sinasabing huwag kong sabihin na umiiwas ako. Kinakabahan man sa kanya, kailangan ko parin manatiling kalmado.

"Huh? H-hindi kita iniwasan! n-nasanay lang talaga ako na sila Amy nagbibigay ng lunch ko..." Pagdadahilan ko. Pinipigilan ang sarili na hindi mautal.

"Bakit Sabi ni ate Brei, hindi pwedeng ako?" Tanong ni Coleen at nakataas pa ang kilay. "Tsaka ano ba yung importanteng ginagawa mo?"

"Alam mo? S-si ate Brei kaya tanungin mo kung bakit ayaw ka niyang utusan" Sabi ko at kunyaring naiinis.
"Gumagawa lang ako ng projects.."

Kumunot ang noo ni Coleen. "Parang Sobrang importante Naman ng project na Yan... Bakit si ate Amy parang chill lang?"

"Hindi kami pareho ni Amy, Coleen..."
Sabi ko habang binubuksan ang tupperware na may lamang lunch.

"Hindi ako sanay nang nagtatambak ng mga gawain. Mas gusto kong ginagawa agad yung mga projects ko para sa susunod na Araw, Wala na akong gagawin". Sabi ko at nagsimula nang Kumain ng lunch.

Tumango tango lang si Coleen at hindi na nagsalita. Hindi narin ako nagsalita pa upang hindi na humaba ang usapan at hindi na rin madagdagan pa ang pagsisinungaling ko.

Well.. Wala akong ibang choice kundi ang magsinungaling. Ayoko rin namang sabihin ang totoo na iniwasan ko siya.

Bumuntong hininga ako. Pinagpatuloy ko ang pagkain habang si Coleen naman ay busy kaka cellphone. Mukhang may ka chat, Baka... Si Josh.

Nangangalahati na ang kinakain ko ngunit busy parin si Coleen sa Cellphone niya. Tinignan ko lang Siya, napanasin niya sigurong nakatingin ako kaya lumingon siya sakin.  Nabilaukan ako nang magtama ang tingin naming dalawa.

Cough~cough~

"Oh ate Gabb! Ok ka lang??" Nag-aalalang tanong sakin ni Coleen. Inabutan niya ako ng tubig at agad ko rin Naman yung kinuha at ininom.

"Ok lang ako! Coleen hindi ka pa ba aalis? Patapos na yung lunch. Pasabi narin kay ate Brei na hindi ako makakasabay sa kanila pauwi Kasi may tatapusin pa'ko..." Sabi ko habang natingin sa bote ng tubig.

Tama yan Gabb...kailangan mo siyang iwasan Diba?? Tama lang yan...tsaka kung magchachat sila ni Josh, wag namang ipakita sakin. Mas lalong sasakit ehh..

Nakita ko siyang tumingin sa orasan at sumulyap sakin. "Sige ate Gabb alis na ako... Sasabihin ko narin kay ate Brei na hindi ka makakasabay.. bye Ate!"

Tumayo na Siya at naglakad papunta sa pintuan, papalayo sakin...Tama papalayo sakin...

You did a great job Gabb... you did a great job pushing her away...

I smile bitterly and continue eating my lunch. Ilang linggo pa nga lang ang sakit na... Kailangan kong kayanin, Hanggang sa Wala na akong maramdaman...haha.

Coleen's POV:

Mabigat ang pakiramdam ko nang lumabas sa room nila ate Gabb. Hindi niya man sabihin, halata namang iniiwasan niya ako. I understand ate Gabb..siguro pagod lang Siya sa Dami ng school works at nakukulitan sakin. I'll give her time, papansinin din ako nun kalaunan.

Shelter My Homeless Heart Where stories live. Discover now