Chapter 1

26 6 0
                                    

Chapter 1: Alam ko..

COLEEN'S POV:

Pagkatapos umalis ng sasakyan ni ate Gabb ay agad na akong pumasok sa loob ng Bahay at nag text kay Josh.

To Josh:

Nakauwi nako :) Thank you nga Pala kanina, Sinamahan mo ko sa coffee shop.

After kong i-text si Josh pumunta muna ako sa Cr para maligo. Ramdam ko Ang lamig ng tubig pagbukas ko ng shower. January na Kasi kaya siguro malamig. Napangiti ako habang iniisip ang mga nangyari ngayong Araw.

"Ang Saya ng araw na to..". Sabi ko sa sarili. Sino ba namang Hindi sasaya kapag nakasama mo maglaro ng basketball crush mo tapos nag coffee date pa.. kilig ang baby Coco niyo..

Lumabas nako sa banyo pagkatapos kong maligo at magbihis. Chineck ko ang oras, 4:30 p.m. palang. Humiga ako sa Kama at agad kong tinignan yung phone ko kung may message na ba si Josh. Lumiwanag ang mata ko ng makita kong meron nga..

from Josh:

Buti safe Kang naka uwi. About sa pagsama ko kanina, Wala Yun. Next time samahan kita ulit :)

Nagulat ako sa Text niya. Wait.. may next time pa?? Ibig sabihin makakasama ko siya ulit... Hell yeah!
Agad akong nag text sa kanya.

To Josh:

May next time pa?


Agad din naman siyang nag text.


From Josh:

Bakit ayaw mo ba? :(


The hell?? Tinanong ko lang naman siya kasi baka mamaya busy Siya at Hindi na maulit. Syempre gusto ko.
Gustong gusto ko...

To Josh:

Syempre gusto ko:)

From Josh:

Yun Naman Pala eh. See you next time, then..


"AAHHH!!!". Mukha Akong tangang nagtiti- tili sa kwarto dahil sa reply ni Josh. Tumayo ako at tumalon talon sa kama dahil hindi ko mapigilan ang kilig na nararamadaman.

*Tok*tok*tok*

Napatigil ako sa aking kalandian dahil sa malakas na katok sa aking pintuan. Agad ako tumayo at binukasan ang pinto para malaman kung sino yung kumatok. Bumungad sa akin si Yaya at hinawak- hawakan ako.

"Coleen! Anong nangyari?? Nasaktan ka ba?? Bat ka sumigaw?". Nag aalalang tanong ni Yaya sa akin.

"Hehe! Yaya ayos lang po ako, napasigaw lang po ako sa Sobrang Saya. Pasensya na..." Ani ko.

"Hay nakung Bata ka. Alam mo namang magagalit ang mama mo sakin kung may mangyayaring masama sayo Diba? Ninenerbiyos ako sayong Bata ka!" Sabi sa akin ni Yaya. Kalmado na ang kanyang boses pero bakas parin sa kanyang Mukha ang pag aalala. "Sige na...sa susunod huwag ng sisigaw o titili ahh?? Nakakakaba."

"Opo Yaya. Sorry po ulit.." ngumuso ako at nag pa-cute. Bumuntong hininga lang si Yaya sa akin at umalis na.

Pinanood ko lang si Yayang umalis Hanggang sa Hindi ko na Makita ang anino niya. Sinarado ko na ang pinto at bumalik na sa pagkakahiga sa kama. Nilibang ko ang sarili ko sa pakikinig ng kanta at pag scroll sa social media. Damn! ang Saya talaga ng araw na to...

Shelter My Homeless Heart Where stories live. Discover now