Chapter 5

5.2K 131 5
                                    

"Are you mad?" he asked.

Hindi ko siya nilingon at nanatili lang nakatingin sa labas ng sasakyan. Malakas siyang bumuntong-hininga ng hindi ako nagsalita.

"Dev, what's wrong?" he asked again.

At gaya kanina ay hindi ko siya sinagot.

Bumuntong-hininga ulit siya at nagulat ako ng bigla niyang itigil ang sasakyan. Gulat na nilingon ko siya.

"Why did you stop?" I asked coldly.

"Let's talk first." he answered.

Umiling ako sakanya.

"No, Kyvex. Drive."

Siya naman itong umiling sa akin bago kinuha ang kamay ko. Kinabahan ako ng bigla niya itong halikan habang ang mga mata ay nasa akin. Kinagat ko ang labi para pigilan ang sarili na maiyak.

It's been a long time since the last time he did that. It's been 6 long years. At ngayon ay pinaparamdam niya na naman sa akin ang emosyong pilit kong binabaon sa limot.

"What's our problem, Dev?" he whispered.

"Wala." pumiyok ako.

"Hindi pwedeng wala. Tell me please, why are you mad?" malambing na tanong niya.

"I'm not mad, Kyvex."

"But you're not talking to me!" he exclaimed.

"I'm just tired!" I can't help raising my voice.

Umawang ang labi niya bago binatawan ang kamay ko. Natuon doon ang atensyon ko. Wala parin siyang pinagbago. Ang bilis niya parin akong bitawan.

"Drive, Kyvex. I want to go home." ani ko bago siya tinalikuran.

Tumulo ang luha sa aking mata habang nasa labas ang aking tingin. Pinaandar niya ang sasakyan at nanatili lang tahimik. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili na mas lalong umiyak.

I should tell Devougre about this. Ayoko na. Hindi ko na kaya 'to. Pag nagpatuloy pa 'to ay mawawala ang lahat ng pinaghirapan ko sa loob ng anim na taon. I don't want to go through that pain again.

Ayoko ng magmahal ulit. Ayoko ng biguin ang sarili ko. Ayokong magmahal ng taong hindi ako kayang ipaglaban. Ayokong mahalin ulit ang taong ang dali akong bitawan.

Nang makarating sa bahay ay agad akong lumabas ng sasakyan. Hindi ko siya nilingon pero batid kong nakasunod siya sa akin. Hinayaan ko siya hanggang sa makarating ako sa tapat ng kwarto ko.

Hindi ko binuksan ang pinto bagkus ay nilingon ko siya. Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Malalim ang tingin niya sa akin.

"You can leave now, Kyvex. Salamat sa paghatid." I told him.

"Are you mad at me?" he asked me.

Napapikit ako ng mariin bago umiling sakanya.

"No, why would I?" I asked him back.

"Then why are you acting like this?" he look so confuse.

I raise my brow at him.

"Acting like what?" kumunot ang noo ko.

He move closer to me making me step back.

"Acting jealous and mad hmm." he said hoarsely.

"I'm not jealous and mad!"

"Oh yeah?" ngumuso siya.

I sighed. Hindi ko alam kung ano ang kinakagalit ko. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko.

Untamable (COMPLETED)Where stories live. Discover now