Chapter 22

3.6K 83 6
                                    

"You look sad, are you okay?"

Tipid akong ngumiti kay Devougre saka marahang tumango. May problema siya ngayon, ayokong dumagdag.

"Oo naman. Pagod lang ako, sunod-sunod ang overtime ko." sagot ko.

"Are you sure?"

I nodded at her.

"You should sleep, anong oras na din." ani ko.

Tumango siya saka ako niyakap ng mahigpit.

"Thank you for listening." she whispered.

"We're sisters. Small thing, Vougre."

Bumitaw siya sa yakap ko at saka umakyat sa kwarto. Nang masigurong nakaakyat na siya ay bumalik ako sa kusina para kumuha ng ice cream.

Bumalik ako sa sala na may dala dalang ice cream. Nang makaupo ako ay saka ko tinignan ang phone. Mas lalong bumigat ang nararamdaman ko ng makitang wala kahit isang mensahe galing kay Kyvex yun.

Kumain ako ng ice cream habang nag-iisip kung paano aayosin ang relasyon namin ni Kyvex. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin. Hindi ko din alam kung kailan nagsimula o paano nagsimula na nagkalabuan kami.

We were so okay. May pagkukulang ba ako? May nagawa ba akong mali? All of the sudden, he went cold. Hindi ko alam kung bakit. Pag tinatanong ko naman siya kung may problema ba, ang sagot niya naman ay wala. Bumuntong-hininga ako saka kumain ulit ng ice cream.

"Why are you eating ice cream in this hour?"

Gulat akong napalingon ng magsalita si kuya Deiv.

"Umuwi ka?" gulat na tanong ko.

"Yep." sagot niya at tumabi ng upo sa akin.

"Kailan ka dumating?"

"Kanina lang."

Napatango ako sabay kain ulit ng ice cream. Kumunot ang noo ko ng makita siyang nakataas ang kilay habang ang tingin ay nasa akin.

"Bakit?"

"What's your problem?" he asked suddenly.

Nag-iwas ako ng tingin sakanya.

"Wala akong problema, kuya." sagot ko.

Inagaw niya sa akin ang ice cream at nilagay sa likod niya. Napanguso ako at akmang aabutin ang ice cream ng pigilan niya ako.

"Tell me, anong problema?"

I sighed heavily.

"Kuya, wala ngang problema."

"Then why are you eating ice cream in this hour?" sinamaan niya ako ng tingin.

"Cravings?" I rolled my eyes.

"Are you even aware na hindi ka pa nagpapalit ng damit? You're still wearing your white coat." he pointed out.

I bit my lower lip. Am I that preoccupied?

"So you tell me, anong problema?"

I looked at kuya sadly. All of the sudden ay bigla akong umiyak sa bisig niya. Siguro dahil kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko pwedeng sabayan ang lungkot ni Devougre kaya pinilit kong maging okay.

"Kuya, hindi ko alam kung bakit nagkakaganito kami." nanginig ang boses ko.

Marahan niyang hinimas ang likod ko habang mahigpit ang yakap sa akin.

"Did he hurt you?" malamig niyang tanong.

Agad akong umiling sa tanong niya.

"Kung hindi ka niya sinaktan, sana hindi ka umiiyak ngayon." bulong niya.

"Hindi ko lang maintindihan, kuya. Bakit bigla siyang nanlamig? Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko."

He sighed harshly.

"Lagot siya sakin bukas."

Umiling ako saka bumitaw sa yakap niya.

"Mangako ka sakin na hindi mo siya sasaktan, kuya." pakiusap ko.

"Sinaktan ka niya."

"Baka nasaktan ko din siya!" pumiyok ako.

"You love him that much huh?"

"I love him as much as you love her, kuya. Kung may makakaintindi man sakin, ikaw yun diba." ngumiti ako.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"That jerk."

Ngumuso ako saka hinawakan ang kamay niya.

"Kuya, let me handle this alright?"

He sighed.

"Fine. But promise me one thing." seryosong aniya.

"Ano yun?"

"If you feel disrespected, leave him. If he gives you doubt, leave him. Do not beg for love, baby." he whispered.

A tear fell from my eyes.

"Don't worry, kuya. I know when to fight and when to leave." I smile sadly.

"We loved you so much, Devougne. No guy has the right to make you cry." he said coldly.

"May kasalanan din naman ako, kuya. I doubted him."

"What do you mean?" he asked seriously.

"Around 7am, I called him. Nag-usap naman kami kahit papano pero I heard a girl's voice. He explained everything to me. Sabi niya katrabaho lang daw at kaibigan. Pero kahit anong pagpapaliwanag niya hindi ako mapanatag."

Seryosong nakatingin sa akin si kuya.

"You're not hiding anything from him right?"

I stilled for a second. Ilang beses akong kumurap saka nag-iwas ng tingin. Biglang sumikip ang dibdib ko sa tanong niya sa akin.

"Either I am hiding anything or not, hindi na yun mahalaga. Hindi naman yun ang isyu namin, kuya."

I looked at him when he touched my shoulder.

"It may not be the issue, but it might be the cause of your fear." he said seriously.

Nag-iwas ako ng tingin.

"I don't know what you are talking about, kuya."

He sighed.

"I can clearly see it in your eyes, Devougne."

Nilingon ko siya at saka marahang nagpakawala ng malalim na hininga.

"Hindi mo kailangang sabihin sa akin kung ano ang tinatago mo kay Kyvex. Pero a piece of advice from your brother, baby. Keeping a secrets is not healthy to a relationship."

Nagbadya ang luha sa aking mata. Nagbaba ako ng tingin para pigilan ang sarili na umiyak.

"He won't understand, kuya. Kahit sabihin ko sakanya, kahit ipaliwanag ko pa. Hindi niya ako maiintindihan." mapait akong ngumiti.

"Paano ka nakakasigurado na hindi ka niya maiintindihan? Kilala ko si Kyvex, alam ko kung gaano ka niya ka mahal. Noon pa man, lagi ka niyang iniintindi. What's stopping you from telling him?"

I looked at kuya bitterly.

"It's different this time, kuya."

I smiled at him softly. He sighed before pulling me for a tight hug. Sinandal ko ang ulo sakanyang dibdib.

"Whatever your decision is, I will support you." he whispered.

"I know, kuya. Thank you."

"Go upstairs and rest, okay? Everything is going to be okay."

I nodded at him.

Tumayo ako at saka naglakad paakyat sa taas. Nang makarating ako sa kwarto ay agad akong pumasok sa banyo para maglinis ng katawan. Nang matapos ay agad akong nagbihis at humiga sa kama. Pinikit ko agad ang mata.

Baka bukas okay na ang lahat.

Untamable (COMPLETED)Where stories live. Discover now