Chapter 38

3.7K 81 18
                                    

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

Ilang beses ko ng tinanong yan at napapagod na ako kakaulit. At gaya kanina ay bumuntong-hininga lang siya habang pinagpapatuloy ang pagmamaneho.

"Ky!"

Nilingon niya ako at binigyan ng tipid na ngiti. Hindi nakatakas sa akin ang kaba sa itsura niya. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan siya lalo. Ano ang problema?

"May hindi ka ba sinasabi sakin?" tanong ko.

Nilingon niya ako saglit bago binalik ang tingin sa kalsada.

"Malapit na tayo, please relax and chill." pakiusap niya.

"Ikaw nga itong dapat mag relax at chill. You look scared! Namumutla ka pa." I rolled my eyes.

"I'm just excited alright? Don't mind me." he chuckled.

"Love, can't you just tell me where are we going?"

He gave me a small smile before he shook his head.

"I can't, baby. I'm sorry."

I sighed.

"Bahala ka."

"Malapit na tayo. Wag ka ng magalit." pakiusap niya.

"Yeah whatever." umirap ako.

Hindi na ako nagsalita hanggang sa tumigil nalang ang sasakyan. Pinagmasdan ko kung nasaan kami pero hindi ko alam kung anong lugar to. Ngayon pa lang ako nakarating dito.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya tipid ko siyang nginitian nang bumaba ako ng sasakyan. Manghang inilibot ko ang tingin sa paligid.

"Why are we here?" I asked.

"It's peaceful. I want to date you here." he chuckled.

It is indeed a peaceful place but something is not right. Hindi maganda ang kutob ko sa lugar na to. Nasa harap namin ang napakagandang dagat. Maputi ang buhagin at malinis ang tubig. Sa likod naming dalawa ay kagubatan. Ang daming naglalakihang kahoy. Kung titignan mula rito sa kinatatayuan namin ngayon, hindi ko makitaan ng kahit kunting liwanag ang gubat. Sobrang dilim nito.

"Bakit dito?" nilingon ko siya.

"Why not? Ayaw mo?"

Umiling ako saka binalik ang tingin sa kagubatan. Ito na naman ang pakiramdam na parang may nagmamatyag sa amin. Ang hirap huminga.

"Hindi naman sa ayaw ko... hindi lang maganda ang kutob ko sa lugar na ito."

"I'm sorry, please trust me." hinigit niya ako para yakapin.

Pero nanatili ang tingin ko sa gubat. Malakas ang kutob ko na may tao doon at pinagmamasdan kami. Hindi maganda ang pakiramdam ko. But Kyvex is here, hindi niya ako ipapahamak. May tiwala ako sakanya.

"Dito lang ba tayo? Nakatayo?"

He chuckled.

"No. May maliit na bahay sa gitna ng gubat. Doon tayo magpapalipas ng oras."

Natigilan ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya para tignan kung nagbibiro lang siya o ano pero masyadong seryoso ang mukha niya.

"Bakit don?" kinakabahang tanong ko.

Huminga siya ng malalim bago ako niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry. I promise, hindi kita ipapahamak." puno ng pagsusumamo ang boses niya.

"Pero ayoko don. Natatakot ako, Ky!"

"Baby, please? Para matapos na to."

"What do you mean?" I asked coldly.

Untamable (COMPLETED)Where stories live. Discover now