Chapter 24

3.5K 96 5
                                    

"Baby, bat ang sungit mo."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Hindi baby ang pangalan ko."

Umawang ang labi niya. Agad niya rin namang tinikom.

"Bakit ka pala pumunta dito?" tanong niya.

"Bawal ba?" tanong ko pabalik.

Ngumuso siya saka marahang umiling.

"O baka naman natatakot kang mahuli kita." ngumiti ako sakanya.

Naging seryoso bigla ang itsura niya dahil sa sinabi ko. Sumandal ako sa sofa habang ang tingin ay nasa kanya.

"Devougne, what do you mean?" he asked seriously.

I smiled at him.

"Ano ang maling nagawa ko?"

Kumunot ang noo niya tila ba nagtataka sa tanong ko.

"Hindi kita maintindihan." he sighed.

"What happened to us, Ky?" I asked painfully.

Napatayo siya sa sinabi ko at agad lumapit sa akin.

"What are you saying, baby?"

Napailing ako habang may mapait na ngiti.

"Nagkaamnesia ka ba? O nagtatanga tangahan ka lang?" pagak akong natawa.

Umupo siya sa tabi ko dahilan para umusog ako. Hinuli niya ang kamay ko at agad hinalikan. Nagbaba ako ng tingin. Pilit iniiwasan ang titig niya.

"I'm sorry." he whispered.

"What happened, Ky? Bigla ka nalang nanlamig."

He kissed my hand again.

"I'm sorry. I was jealous and hurt."

Nagugulohang tinignan ko siya.

"Anong sinasabi mo? Kanino ka nagseselos?" tanong ko.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Hawak niya parin ang kamay ko pero hindi na siya makatingin. Huminga ako ng malalim saka marahang hinarap ang mukha niya sa akin.

"Sabihin mo sakin kung kanino ka nagseselos para mahalikan kita sa harap niya."

Ilang beses siyang kumurap habang unti-unting pumula ang pisnge at tenga. Kinagat ko ang labi para pigilan ang matawa. Nagbaba siya ng tingin, kagat-kagat na ang labi.

"Kyvex, tell me his name." utos ko.

Nang umangat ang tingin niya sa akin ay seryoso na ang mukha niya.

"Yung doctor mo tch." umirap siya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Doc Salvado?"

"Oo! Ang pangit na yun." he snorted.

"Why are you jealous of him? Pinakilala na kita sakanya!"

"Niyakap ka niya... at hinayaan mo siyang yakapin ka." nabasag ang boses niya.

My lips parted a bit. He was there that time! Nakita niya ang pagyakap sakin ni Doc Salvado. Hindi makapaniwalang tinignan ko siya.

"So that was the reason why you went cold and did not contact me?" malamig kong tanong.

"Yes and no." he sighed.

"Explain." utos ko.

"Yes because I was jealous and hurt. And no because I was really busy."

Huminga ako ng malalim bago siya tinignan ulit.

"Bakit hindi mo sinabi sakin agad?" I asked, frustrated.

Untamable (COMPLETED)Where stories live. Discover now