Chapter 36

3.6K 88 7
                                    

"What did you say, Devougne?" Dad asked.

"Bago ako pumunta rito, nagkausap kami. She was so angry at me. Sinabi niya na dapat patay na ako. Naamin niya lahat sa akin."

"Where is she now?" kuya asked.

Umiling ako.

"I don't know. She caught me off guard. Mabilis siyang umalis pagkatapos ng sagutan namin."

"Siya ang may gawa sayo nito?" malamig na tanong ni Kyvex, tinutukoy ang madumi kong damit.

Tumango ako sa sinabi. Ilang beses siyang nagpakawala ng mura.

"Are you okay, Vougne?" Tito Ren asked, dad's older brother. He is Devougre's doctor, by the way.

I nodded at him.

"Sino si Maria?" tanong ni Devougre.

"Kaibigan ko."

Bumuntong-hininga si Kyvex ng sabihin yun.

"Kaibigan mo lang? Sigurado ka dyan?" mataray na tanong ni Devougre.

"Vougre!" I called.

"Bakit? Sinisigurado ko lang." umirap siya.

"Ali, stop it." malambing na saway ni Ovexus sa kapatid ko.

Naagaw ang tingin naming lahat ng may tinawagan si Daddy. Seryoso ang mukha niya at bakas ang galit doon.

"Did you receive it? Find her as soon as possible."

Binaba ni daddy ang tawag at saka lumingon sa amin. Tinanguan niya si kuya Deiv, Ovexus at Kyvex bago siya nagsalita.

"Proceed with the plan." malamig niyang saad.

"Copy, dad." kuya Deiv said.

Sobrang gulo nila sa loob ng kwarto ni Devougre. Kung hindi lang sila isa-isang pinaalis ni mommy ay hindi natahimik ang silid.

Nang makaalis sila daddy ay umalis nadin si mommy. May duty pa siya kaya ako lang ang naiwan kasama ni Devougre.

"Hey, are you okay?"

She sighed at me.

"Jesus Christ, Devougne! Limang beses mo ng natanong yan sakin."

Ngumuso ako saka marahang kinurot ang braso niya.

"I'm worried." inirapan ko siya.

"Okay na ako." ngumiti siya.

"I'm sorry."

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Stop it. Hindi mo kasalanan na baliw ang babaeng yun."

Kahit papano ay napangiti niya ako.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung hindi ka nagising." mapait akong ngumiti.

Ngumiti siya at saka marahang hinawakan ang kamay ko.

"Wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano. Gising na ako. I'm fine." aniya.

I nodded.

"I have something to tell you."

"What is it?"

"I'm pregnant." napahikbi ako ng sabihin yun.

Umawang ang labi niya sa gulat.

"Seryoso?"

"Oo, gaga!" naiiyak na sabi ko.

"I'm happy for you." malambing na sabi niya.

"I know. Thank you!"

"Alam na ba ni Kyvex?"

Umiling ako sakanya.

Untamable (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon