Chapter 2 - [Hit the Dance Floor]

27.7K 433 4
                                    

Ito na chapter 2! 
Wag kalimutang bumoto kapag gusto ang update na to ha!

Salamat. ;>

===========================================================

CHAPTER 2

[Hit the Dance Floor]

Nakapagorder na ang mga ugok na ‘to ng inumin namin. Langya. Sa aming mga girls, isang pitchel kami ng San Miguel Light. Then yung mga guys, nagRed horse mucho. Tapos ang pulutan naman ay peanuts at fish crackers.

Sa totoo lang, imbes na magenjoy ako sa pagiinom namin, wala! Hiya ang nangingibabaw. Paano nacoconscious talaga ako kapag kasama ko si Kyle. Ganito talaga ako. Ganito ata talaga kapag may gusto kang tao tapos hindi nya alam ang nararamdaman mo. Nahihiya talaga ako. Ano ba! X(

“Xyra, may gusto ka pa rin ba sa kanya?” sigaw ni Bianx sa tenga ko. 

Ang lakas kasi ng tugtog ng banda eh. Di bale, hindi naman ata rinig yun. Umiling-iling na lang bilang sagot ko sa tanong ni Bianx. In denial pa talaga ako e noh. :)) WTH! Tiningnan na lang nila ako nila Rhian at Bianx ng “kunwari-ka-pa-look”.

“Tara, sayaw! Ganda ng tugtog eh!” yaya ni Claire.

Hala O_O May tama na kaya ‘to? Hari ng dancefloor ‘to si Claire eh.

“Game! Wuhoo!” sagot naman ni Rhian. Hala. Ampf. Reyna naman ng dancefloor yan. Hay nako. Sila Bianx at Pao, sumayaw na rin. Naman oh. Kaming dalawa na lang ni Kyle ang natira.

Waaaaa~ >.< Anong gagawin ko? Kakausapin ko ba sya? Jusko. Isang malaking shock talaga ‘to kasi 1 year kaming hindi nagkita. Nagtransfer kasi sya ng ibang university after 3rd year. Pero kahit ganun, siya pa rin ang gusto ko. Hindi basta-bastang nawala yung feelings ko sa kanya. Close kami ni Kyle talaga. Sya ang seatmate ko simula 1st year hanggang 3rd year. Nakaarrange kasi kami in alphabetical order kaya yun. And since seatmate kami, naging close kami sa isa’t-isa. Nung huli lang na nagkalabuan kaming dalawa. I mean nawala ang closeness.

So hanggang ngayon, andun pa rin yung feeling na gusto ko sya. Pero at the same time, sobrang naiinis ako dahil sa umalis syang hindi nagpapaalam. L Hindi talaga sya nagparamdam. Tapos ngayon babalik-balik sya na parang walang nangyari! Leche! >.<

“Xyra.” may nagwwave na kamay sa harap ng mukha ko. Nagulat ako dun kaya napaatras ang ulo ko. Nakita ko syang nakatingin sa akin na nakangiti. Ako naman *straight face* lang.

Ngiti ka dyan! I hate you, Kyle! Nag-isang shot ako ng San Mig! Sabay lapag at bumuntong hininga.

“Ui, Xy!” hindi ko pa rin sya pinansin.

Tumayo na lang ako ng padabog at pumunta ng dance floor. Leche! Ayoko syang kausapin. I hate him! :’(

Sa sobrang inis ko talaga parang gusto ko magwala sa dancefloor na ‘to.

OK fine! Go! Hindi ako magaling sumayaw at hindi talaga ako mahilig tumungtong sa dancefloor na ‘to pero pipilitin ko...

makalayo lang sa kanya. 

===========================================================

So far, how was the first 2 chapters? Wag po mahiya magcomment ha. Kung like nyo update na ito, don't forget to vote. Thank you. :)

A NIGHT OF MISTAKE [One Night, #1]Where stories live. Discover now