Chapter 7 - [Waiting For Nothing]

23.2K 269 5
                                    

Chapter 7

[Waiting For Nothing]

NP: Kyla - Wait For You

Kinaumagahan. Nagising ako sa lamig ng hangin na galing sa terrace ng condo unit ni Kyle. Nakabukas yun at natanaw kong nasa labas sya nakadungaw. Babangon sana ako pero bigla syang pumasok. Agad kong nilapit pa ang kumot sakin.

"Good Morning." bati nya. Napangiti ako. 

"Morning." sagot ko. Ngumiti naman sya. 

Hinawi ni Kyle ang buhok ko sa tenga. 

"Ok ka lang ba?" tanong nya. Uhh, awkward. Is he talking about sa nangyari samin kagabi? 

"O-Oo." tapos nagsmile sya ulit. Parang ang peke ng ngiti nya. Anong problema? Tatanungin ko na sana sya pero bigla syang tumayo at kumuha ng towel sa kabinet. 

"Gusto mo bang mauna maligo?" 

"Ah. Una ka na." pauunahin ko na lang sya. 

Pumasok na sya ng cr. Habang ako hinanap ang damit ko kagabi. Ayun nasa may upuan. Maya-maya, narinig kong may tumunog na cellphone. Nasa kabilang side table. Tinignan ko.

Gabby calling . . . 


Gabby? Sino kaya to? Natetempt akong sagutin. Pero wala akong karapatan. Naku, Xyra >_< Hindi porke may nangyari sa inyo eh pwede ka na umasta ng ganyan. Haay. Lalake ba to o babae?

"Naku, Xyra." ginulo ko buhok ko. Wag muna mag-isip ng kung anu-ano.Never mind.

Paglabas ni Kyle, nakatapis lang sya ng tuwalya sa baywang nya. O____O Nakakailang. Kaya tumalikod ako ng di pahalata. 

"Tapos na ako. Ikaw na." sabi nya.

"A-ah. Sige. H-hehe." tapos dumirecho na ako sa cr. *Lunok ng malalim* Wew.

Umalis kami ng condo ni Kyle na parang wala lang. Tahimik lang sya. Ramdam kong may mali eh. Ngayon, ihahatid na nya ako sa bahay namin. Di ko maiwasang isipin ang nangyari kagabi. Were we too drunk kaya namin nagawa yun? O talagang ginusto namin? Kung ako tatanungin, drunk or not ginusto ko yun. Si kyle kaya?

"Sure kang ayaw mo muna kumain?" tanong nya.

"Oo, ok lang ako. Sa bahay na lang."

"Sige."


Mga ilang minuto nakarating na rin kami sa bahay. 

"Kyle. Maglunch ka muna kaya dito sa amin?" suggest ko.

"Ha? Hindi na. May lakad pa kasi ako." sagot nyang natingin sa orasan nya. Lakad? At saan naman kaya? Mukhang nagmamadali sya.

A NIGHT OF MISTAKE [One Night, #1]Where stories live. Discover now