Chapter 4 - [Round 2]

24.4K 324 8
                                    

CHAPTER 4

[Round 2]

KYLE’S POV

Tingnan mo nga naman ang babaeng ‘to. Nakatulog na. Kanina ang daldal, ngayon parang anghel. Tapos tinatanong ko kung saan ang bahay nila, hindi ako sinasagot. Saan ko naman kaya dadalhin ‘tong babaeng ‘to?! Haist.

AH!

No choice. Sa condo ko na lang, total doon din ko naman balak magstay for the night. Malayo layo na kung uuwi pa ‘ko sa bahay.

After 15 minutes…

 

Nakarating na rin ako sa condo ko. And it’s about 12am pasado. Gigisingin ko ba ang babaeng ‘to o buhatin ko paakyat? 2nd floor lang naman ang unit ko. :/ Sige na nga! Bubuhatin na. Mukhang K.O na ‘to eh.

Ok. Isang floor na lang. Kaya pa. Sige pa. Yan.

Nung binuksan ko ang pinto, pinatayo ko muna si Xy habang nakaakbay sa balikat ko. Di pa rin nagbago. Magaan pa rin sya gaya ng dati. Namiss ko syang buhatin.

Hiniga ko sya sa kama. At pati ako napahiga sa taas nya. Ang higpit ng hawak sa may batok ko. Grabe. Hindi ako makapiglas.

“Hmmm.” Umuungol sya. Masakit siguro ang ulo.

“Aray~” hindi na sya nakayakap sa batok ko. Sa ulo na nya. At dahan-dahan pa syang umupo. Parang ‘makirot’ ang itsura nya. Tapos tinitigan nya ‘ko.

“Nasaan ako?!”

.

.

.

.

.

.

.

“N-nasa condo ko.” Sagot ko naman.

“Ano?! Ba’t ako nandito! Iuwi mo ‘ko! Ayokong makasama ka!” habang nagkakamot pa sya ng ulo nya.

“Hindi mo naman sinabi kung saan bahay mo. Tinatanong kita.”

“Nawala ka lang ng isang taon! Hindi mo na alam bahay ko?!” sinapok nya ko.

“Aray!”

“Dapat lang yan sa’yo! Bwiset! Aalis na ‘ko.” Tumayo sya sa kama. At pumunta sa may pinto. Sinundan ko nga.

“Alam ko! Nakalimutan ko lang ang daan, Xy. Ano ba? Hindi ka uuwi. Dito ka matutulog. Tingnan mo yang itsura mo! Sa tingin mo pauuwiin kita ng lagay na yan?” pangangatwiran ko naman.

Tumigil sya sa tapat ng pinto.

“Ayokong makasama ka. Matapos mo akong iwan ng hindi nagpapaalam. Kala mo mapapatawad kita?”

“Nasaktan ka ba?”

Hinarap nya ako. At…

SINAMPAL!

“Tanga ka ba?! Sinong hindi! Sinong hindi masasaktan sa ginawa mooo~!” Narinig ko syang humikbi.

“I’m sorry. Patawarin mo ‘ko, Xy.” Nagdabog sya. Tapos pumunta sya sa may ref. Naghahanap ata ng tubig.

“Bibili na lang ako tubig. Wala akong stock.” Sabi ko.

“Hindi tubig hanap ko!” sabay sara ng ref. May dala-dalang ice cubes pa. At pumunta dun sa counter na koleksyon ko ng alak. Whatda?! May balak pang mag2nd round ang babaeng ‘to?!

Nilapitan ko nga. At pinigilan kong magbukas ng alak. 

“Tama na yan.”

“Sinira mo ang gimik naming barkada diba? Ngayon, eto ang bayad mo sa’kin.”

Sagot nyang naglalagay ng ice sa baso.

 ===========================================================

Eto naaaaaaaaa! Malapit na sila. HAHAHA :D
Paramdam din pagmay time.

Boto lang ng boto! :>

A NIGHT OF MISTAKE [One Night, #1]Where stories live. Discover now