Chapter 8 - [The Heartbreak]

20.4K 295 23
                                    

The last chapter of GMHB Once: A Night Of Mistake Series 1.

Read to find out the ending. 

============================================================

Chapter 8

[The Heartbreak]

NP: Freestyle - Before I Let You Go

After that night, hindi na ako nakatulog ng maayos ng mga sumunod na araw. Nasa kwarto lang ako. Di ako lumalabas. Di rin kumakain ng maayos. Sa madaling salita, wala akong gana sa lahat. Nagtataka na nga sila kung bakit nagkakaganito ko. Pero tahimik lang ako. Walang imik.

I cried myself to sleep that night. Kahit paggising ko, wala pa ring tawag o text galing sa kanya. Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Gusto ko lang umiyak ng umiyak. 

*Cellphone vibrating*

Napabalikwas ako bigla sa kinahihigaan ko. Tawag yun! Tinignan ko. Ok na sana, pawi na sana ang lungkot ko.

Si Bianx lang pala. 

"Hello."

"Xyra! Ano nangyari sa'yo bat hindi ka na nagparamdam?"

"H-ha. Ano kasi." 

"Xy. Let's meet right now." ito na naman tayo.

"Bakit? Ano meron?"

"Basta. Let's meet at Pao's place. Please?" ang seryoso ng tono ni Bianx. Ano na naman kayang meron? Pupunta ba ako o hindi sa lagay ko na to? Hays. 

*Pao's place*

DING DONG ~

DING DONG ~

Finally, bumukas ang gate. Sinalubong agad ako nila Rhian at Bianx. 

Rhian: "Buti naman pumunta ka." 

"Ano ba kasi meron?"

Bianx: "Malalaman mo rin, Xy." Iba na naman pakiramdam ko. 

Pagdating sa sala, kumpleto ang tropa. Lahat sila nakatingin sa akin. Nagsimula na akong kabahan. Bakit ganito sila makatingin? Alam na ba nila na may nangyari sa amin ni Kyle?! Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko.

Bianx: "Ang totoo nyan kaya ka namin pinapunta dito ay dahil..."-sabay abot sa akin ng isang white envelope-"Dahil dyan, Xy."

Binuksan ko ang envelope. Nanginginig pa ako habang binubuksan ito. Pagtingin ko. . .

"Villegas & Chua Engagement"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"K-kyle."

H-hindi. H-hindi totoo to. Si Kyle?! Maeengage sa ibang babae?!

"Pare."

Si Kyle. Si Kyle nandito. 

Nilingon ko sya. Halata sa mukha nya na gulat syang makita ako. 

Wag kang iiyak , Xyra! WAG. WAG. WAG. 

I can't. I can't help it. Parang gumuho ang mundo ko.

Rhian: "X-xyra." inalis ko ang pagkakawak ni Rhian sa kamay ko. 

PUTANG*NA! All I can think of is makaalis sa lugar na to! Away from him! Away from this jerk! 

Gusto ko syang sampalin! Gusto ko syang saktan! Pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya. 

KYLE, you bastard. Kinamumuhian kita!

Tumakbo na ako papalabas ng bahay nila Pao. Narinig ko silang tinatawag ako. Pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang makalayo sa hayop na yun! Ang sakit. Sobrang sakit. To the point na gusto kong mawala na lang ng parang bula sa mga oras na to. Paano nya nagawa sa akin yun?! At bakit?! He took advantage of me that night?! Dahil ba ano? Dahil ba lasing sya?! 

"Xyra!" tawag sa akin ni Kyle. Sinundan nya ako.

"Please! Mag-usap tayo!" 

Nung sinabi nya yun, tumigil na ako sa pagtakbo. Hinarap ko sya. Kahit sobrang luhaan ang mga mata sige lang. Hindi ako plastik para kimkimin to.

"Hinintay kita... nung gabi na yun... Magdamag. Naghihintay sa tawag mo. Naghihintay... ng oras para... makausap ka." sabi ko sa bawat hikbi. Yumuko lang sya.

"Kaya ka ba hindi tumawag nun... dahil busy ka sa pag-aayos ng engagement nyo?! Sinadya mo ba yun para takasan ako?! Dahil naduduwag kang harapin ang katarantaduhang ginawa mo sa akin?!" 

"X-xyra. I'm so... sorry." 

"Tang*na, Kyle! Pinagmukha mo akong tanga! Pinaghintay sa wala! Niloko mo ako! Paano mo nagawa sa akin to?! Pinagsamantalahan mo lang ako! Sorry?! Maibabalik ba ng sorry mo ang nawala sa pagkatao ko?!"

"Patawarin mo ako. I was. Nadala lang ako ng gabing yun. Hi-"

"Sabi na nga ba. Ayan ang idadahilan mo. Na LASING ka! Na wala ka sa sarili mo! Na hindi mo sinasadya! Sabagay... sino nga ba ako sa'yo? Wala lang naman ako diba. Kaya mo nga ako nagawang iwan nun ng walang paalam!"

"I'm so sorry, please. Patawarin mo ako, Xy." Umiiyak sya? Siya pa ang may ganang umiyak ngayon? Kyle, hindi mo ako madadala sa iyak mo.

"Kahit ilang sorry pa yan. Hindi maibabalik ang nawala sa akin. Kyle, 

Mahal na mahal kita. Sa'yo ko lang naramdaman to. Pero hindi ko akalaing ganito ang gagawin mo. Don't worry, I'll consider that night...

was just a BIG MISTAKE." 

It all ended here. 

I got my heart broken for the first time. 

Broken by the guy I've fallen in love head over heels with. 

Broken by the guy I've waited in vain. 

Worst part, I gave everything just because of that one night.

Sabi ko NO regrets, diba. Paninindigan ko pa rin hanggang ngayon.

Though that night, 

was one of the BIGGEST MISTAKE I did in my entire life.

============================END=========================

Comment? Vote? Go lang. Salamat po sa pagbabasa! Sabi sa inyo eh maiksi lang to. :)

A NIGHT OF MISTAKE [One Night, #1]Where stories live. Discover now