Chapter 5 - [Love Starts Tonight]

24.2K 310 5
                                    

Eto na. Ang simula! :))

Hinay hinay lang sa pagbabasa. I-absorb ng maigi. :))

Vote/Comment kayo ah. Tatalon ako sa tuwa! XD

============================================================

Chapter 5

[Love Starts Tonight]

NP: When you kiss Me -Shania S.

 

XYRA’S POV

 

Ang nasa isip ko lang ngayon ay uminom! Grabe. The party isn’t over yet! Lalasingin ko ang lalakeng ‘to at paaaminin ko kung bakit hindi na sya nagparamdam pagtapos nya kaming iwan. Humanda ka sa’kin ngayon Kyle.

Kinuhanan ko siya ng isa pang baso. Nilagyan ng ice cubes, binuhusan ng Vodka.

“Eto! Uminom ka!” sabi kong nilapag ang baso sa harap nya. Mga ilang segundo kaming nagkatitigan, seryoso, hanggang sya ang unang nag-alis ng tingin nya sabay inom nung vodka. Yan. Masunurin ka pa rin pala hanggang ngayon. 

TIK

TOK

TIK

TOK

TIK

TOK

TIK

TOK

Hilong-hilo na 'ko.

Here I am, nakaupo sa sahig na nakapatong ang mga braso sa sofa. At si Kyle? Eto, nasa tabi ko lang. Naidlip ata. Ano bang nangyayari? Natanong ko na ba sya? Para wala akong maalala na may tinanong ko sya kung bakit hindi sya nagparamdam? Haist! Ewan bahala na. Mamaya na nga. Naiinitan talaga ako eh. Init na init na 'ko na sobrang hilo. Maka-CR nga muna. Tama. Magc-CR muna ako.

Hay sa wakas. Nakita ko rin. Muntik na akong mauntog dun sa may glass wall. :/ 

Ok na. Ang dilim. Ay, tamang-tama dito na lang ako mag-aalis ng jacket ko. Sleeveless naman suot ko sa loob. 

Pagtapos ay bumalik na ‘ko sa living room. Nakita ko namang patayo na si Kyle,

pa…palapit sa’kin. O_O

Magsasalita na sana ako nung…

Bigla na lang niya akong niyakap at…

Hinalikan…

Sa labi ko… O_O

I… I… I am so dumbfounded by his kiss.

Ang aggressive. Nanlalambot ako. Jusko. Ano ba ‘to. Naramdaman ko pang lalong humigpit ang yakap nya sa baywang ko. At magkadikit na magkadikit ang katawan naming dalawa. Nararamdaman ko ang init ng katawan nya. Ang halik nya. Nakakaakit.

“Kyle.” Bulong ko sa labi nya.

At wala syang sinagot. Hinalikan nya lang ako ulit. At ako? Nilabanan ko na lang rin sya ng halik. Di ko na maitago ang nararamdaman kong ‘to. I’ve waited one year to be with this guy at ito na nga. Ito na ang pagkakataon na magkasama kaming dalawa kahit hindi nya alam ang tunay kong nararamdaman para sa kanya.

Niyakap ko sya batok nya. Pinagapang ang mga kamay ko sa buhok nya. At dahil dun, mas lalo pa nya akong hinigit para mapalapit pa ‘ko sa kanya.

Kung kanina nakatayo kaming dalawa, ngayon dinala na kami ng mga paa namin sa kama. Dahan-dahan nya akong hiniga habang magkadikit pa rin ang labi namin.

Ramdam kong nakapatong na sya sa’kin. 

============================================================

SUBAYBAYAN!

VOTE/COMMENT.BE A FAN/ADD TO RL.

A NIGHT OF MISTAKE [One Night, #1]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ