Hakbang 7

2.2K 101 110
                                    

Sleeping has always been one of the ways to calm my nerves, alongside a shot of tequila or a hard training session at the headquarters. I certainly could not drink and train because of my classes, so sleeping is the best shot... to get me through the irritation and a bit of anger I felt last night.

Kalmado na ako ngayon. Hindi katulad kagabi na parang sasabog ako. Like a ticking bomb ready to explode.

The paranoia just got into me. Ang daming death threats sa amin. We may have the best security forces, but our enemies are just as powerful!

Knowing Avino, he always updates us wherever he goes. Lalong lalo na kapag hindi siya makakauwi. Noon sa mansion, may panahon na hindi rin siya umuuwi pero nagsasabi siya sa amin nila Mommy.

He didn't inform me last night. And that was the first time since we lived together. I just reacted normally!

Is it too hard to text me? Wala namang akong pakialam kahit isang buwan pa siyang hindi umuwi basta ba ay nagsabi.

Kahit i-text man lang niya ako na 'Hoy, 'di ako uuwi diyan ha'. Kahit 'yon lang pero hindi niya nagawa?

We are living together. Kargo namin ang isa't isa kahit paano. Para hindi siya magsabi na hindi siya uuwi kagabi? Tangina niya!

Huwag na siyang umuwi kahit kailan!

Umirap ako at kinalma ulit ang sarili. I won't ruin my morning just because of him! Kung umuwi man siya kagabi o hindi, wala na akong pakialam!

I got up from my bed and did my morning routines. Nag-shower at naghanda na para pumasok. I'm still a bit sleepy, though.

Habang sinusuot ang relo, lumabas na ako ng kwarto na nakaayos na. Hindi ko inaasahan na may ibang tao sa condo kaya natigilan at nagulat pa ako nang nakita si Avino.

Oh, umuwi pala ang demonyo?

He's preparing something in the kitchen. He smiled when our eyes met. I just stared at him blankly. Akala niya ba natutuwa ako sakaniya?

I clicked my tongue and walked towards the kitchen. Sa ref ako dumiretso dahil inuuhaw. While drinking, I got a clearer view of what he's doing. Nagpre-prepare ng breakfast. Ininit niya 'yong niluto ko kagabi.

"Morning! Patapos na ako. Upo ka na lang dyan. Luto mo 'to? Iniwan mo lang sa counter kagabi kaya nilagay ko sa ref, at ininit ngayon." Nakangiti niyang sabi.

My poker face remained.

"Masarap! Tinikman ko kanina," ang saya-saya pa niya talaga.

I gritted my teeth. Binaba ko ang baso, tumalikod, at hindi siya kinibo. Bakit pa ba 'yan umuwi? Sana hindi na lang?

Papasok na ako at bibili na lang ng breakfast sa labas. Naiirita ako rito. Baka umagang umaga at may masuntok pa ako.

"Killa, breakfast?" si Avino na tinatawag ako.

I ignored him again. Kinuha ko lang ang car keys bago dumiretso sa pinto at lumabas. I heard him still calling me, a bit panicking. He should be. This is the first time I didn't join him for breakfast.

Mabilis akong pumasok sa elevator. Sigurado akong hindi agad makakasunod si Avino. Kailangan niya pang ligpitin 'yong mga gamit bago siya makaalis. Serves him right!

My stomach growled as I walked out of the elevator. Napairap ako at mas binilisan na lang ang kilos. I still have enough time to buy something before going to class. Nagugutom ako dahil hindi rin ako kumain kagabi.

What a smart move, Killa! Nabwisit ka na nga sa lalaking 'yon, ginutom mo pa ang sarili mo! Smart, smart move!

That's why I went to the nearest coffee shop first. I bought myself a cup of coffee, a croissant, and a bagel. Yes, that's how hungry I am! My pride won't just let me eat whatever Avino has prepared.

Tequila Nights, Tipsy Lights (Revelry Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon