05

708 11 0
                                    


Nagising ako kinabukasan na masakit ang ulo. Nang tingnan ko ang orasan pasado alas nwebe na ng umaga kaya pala medyo nagugutom na din ako.


"Ang sakit ng ulo ko. Konti lang naman yung ininom ko kagabi pero masakit pa rin..." Sabay hilot.


Naalala ko bigla ang sinabi ni sir adam sa'kin kagabi bago ako lumabas ng kotse niya.


"Ayaw niyang may tumitingin sa akin na ibang lalake? Anong gusto niya siya lang? Aba swerte naman ata niya!"


Wala na si lili sa higaan niya nung nagising ako baka lumabas na. Naligo nalang ako at nagbihis ng pambahay total day-off ko naman ngayon.


Saan kaya si lili? May atraso pa yun sa'kin nahuli tuloy kami ni sir adam...


Pagdating ko sa kusina nakita ko si venice at vincent na nag-uusap. Mukhang masinsinan ang pinag-uusapan nila dahil nung nakita nila ako medyo gulat ang reaksyon nila pareho.


"Good morning sa inyo. Gulat kayo nang makita ako ah. Anong meron?" tanong ko sabay lapit sa kanila.


Tumikhin si vincent at tumingin kay venice bago nagsalita.


"Wala naman sandra... Sige alis na muna ako may pinapagawa pa kasi sa akin si ma'am zenaida." Ngumiti ito ng alanganin sa'kin saka umalis.


Aba! Halatang umiiwas...


"Kumain kana ng agahan sandra. May itinabi kami para sa'yo at may gamot narin para sa sakit sa ulo mo."


Alam nila valerie at venice kung saan kami pumunta kagabi pwera lang kay manang fe.


"Sige salamat venice. Nga pala nasaan si lili? Wala na siya sa higaan niya nang magising ko." Tanong ko sa kanya.


Habang nagpupunas siya ng mga baso. Nagsimula na rin akong kumain.


"Nagpaalam na may pupuntahan daw siya ngayong araw."


"Talaga? Hindi man lang siya nagka hangover sa dinami ng na inom niya kagabi." Umiling iling ako.


"Speaking of kagabi. Sabi ni lili sumabay daw kayo kay sir adam pauwi. Totoo ba yun?"


"Oo– teka alam ba yan ni manang fe?! siguro sinumbong kami ni sir adam sa kanya!" Pagpapanick ko.


"Relax walang alam si manang fe. So ano nga nangyari ba't kayo sabay ni sir adam pauwi?" Kuryusong tanong niya.


"A-ano kasi... Nandun din siya sa club kaya ayun sabay nalang kaming umuwi."


Ayaw kong malaman nila ang dahilan kung bakit kasama namin si sir adam. At ayaw ko na rin maulit ang nangyari kagabi. Tama na yung naka pasok na ako sa doon para hindi naman ako ma ignorante.


"Ganun ba? Alam mo ba ngayon lang nag pasabay si sir adam pauwi at nagpasakay sa kotse niya." Pag iimporma niya.


Napatigil ako sa pagkain sa sinabi niya. Big deal ba yun?


"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka kong tanong.


"Eh kasi ilang beses na rin namin nakita si sir adam sa isang club o bar kasama ang mga kaibigan niya pero kahit isang beses hindi niya kami inayang sumabay sa kanya pauwi. Nag papabook lang siya ng taxi para sa'min."


Kung ganun, ang pagsakay namin pauwi ni lili sa kotse niya kagabi ay unang beses pa lang yun?


"Ganun ba? Baka nagbago isip niya kagabi kaya pinasakay niya kami..."


Waves Of LoveWhere stories live. Discover now