18

551 11 0
                                    


Kinabukasan bumyahe kami ni adam, nag leave muna siya sa kanyang trabaho para samahan ako pauwi sa zambales. Sinabihan niya ang kanyang secretary na siya muna ang bahala at tawagan lang siya kapag may emergency.


“Sigurado ka bang sasamahan mo ‘ko?” Tanong ko kay adam na kakapasok lang ng kotse.


“I told you, I won’t leave you alone.” Saka lumingon sa'kin at nginitian ako.


Napaka-swerte ko at nandiyan si adam sa tabi ko. Pinapagaan niya ang pangambang nararamdaman ko at hind ako pinapabayaan.


Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niyang nasa hita ko nakapatong “Thank you adam…”


“Anything for you babe. Gagawin ko lahat at sasamahan kita sa lahat ng problemang haharapin mo.”


“I love you adam…” ngumiti ako sa kanya.


“I love you more than you ever know.” Saka hinalikan ako.


Maaga kaming umalis ni adam dahil limang oras pa ang byahe galing maynila papuntang zambales. Tinext ko si mama na uuwi ako ngayon at sinabing may kasama ako. Hindi na siya nag tanong kung sino, ang sabi niya lang ay mag-iingat kami at maghihintay lang siya sa hospital.


Habang nasa byahe kami pinipigilan kong huwag matulog dahil kailangan ni adam ng makaka-usap habang nag da-drive. Nagpa-music ako sa kotse niya para hindi kami antukin pareho.


“You can sleep babe. I'm okay.” Sinulyapan niya ako saglit.


“Ayaw ko, kailangan mo ng kausap para hindi ka ma bored…” kahit ang totoo gusto ko munang ipikit ang mga mata ko.


“Don’t worry about me. You need to sleep para mamaya hindi ka antukin.” Sabay hawak ng kamay kong nasa hita ko parin.


“O-okay… gisingin mo ‘ko kapag malapit na tayo huh.”


“Yeah sure…” May inabot siya sa likod na neck pillow saka binigay sa'kin. “Here... use this para hindi ka mahirapan sa pagtulog.”


“Thank you…” nilagay ko ang neck pillow sa leeg ko at inayos ang pwesto ko sa komportableng posisyon. Hindi nagtagal naka-tulog din ako.


Naramdaman kong may malambot at mabangong kamay na marahang hinihimas ang mukha ko. Minulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko at nakita ko si adam.


“We’re here baby.” Malamyos nitong sabi.


Umayos ako ng upo saka tiningnan ang paligid. Nasa zambales na nga kami. Tinext ko agad si mama kung saang hospital sila ngayon, nung nag reply siya sinabi ko agad ito kay adam.


“Its lunch time already. Lets buy our food para sa atin at sa family mo, samahan narin natin ng prutas.” Suhestyun ni adam.


“Okay sige.” Tumango ako sa kanya at ngumiti.


Hindi ko namalayan ang oras, mag aalas dose na pala ng tanghali. Napa-isip ako sa magiging reaksyon ni mama kapag nakita niya si adam. Kinakabahan ako pero alam kong matatanggap kami ni mama at susuportahan.


Nang makarating kami sa hospital, agad kaming nagtungo kung saang room naka confine ang kapatid ko.


“Don’t worry. I know he’s okay now.” Hindi talaga ako hinahayaan ni adam na makaramdam ng lungkot at pangamba.


“Mama!” sigaw ko ng makita si mama na naghihintay sa labas ng room.


“Sandra anak!” agad kaming nag-yakapan. Pinipigilan kong huwag ma-iyak sa harapan niya dahil miss na miss ko na siya.


Waves Of LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora