06

720 13 1
                                    


Minsan hindi ko talaga ma intindihan si sir adam. Yung tipong ngayon napaka okay ng mood niya pero maya-maya biglang magagalit kahit di ko alam ang dahilan niya. Napaka bipolar talaga.


Gaya nalang kanina, nag kekwentuhan lang kami ni vincent sa garden habang nagdidilig ako nang biglang dumating si sir adam at sinabihan kaming “mag trabaho, wag chismis.” Aba't napaka talaga!


Wednesday ngayon, at tatlong araw na ding umuuwi dito si sir adam simula nung lunes. Kaya ganun nalang ang pinagtataka nila valerie sa kanya.


“Ano kayang nakain ni sir adam? Himala at dito na siya umuuwi.” Nagtatakang tanong ni valerie.


Andito kaming dalawa ni valerie sa living room ngayon naglilinis.


“Ano ka ba valerie, malamang bahay nila to kaya syempre pwede siyang umuwi dito kahit kailan niya gusto.” Sagot ko sa tanong niya.


“Simula kasi nung nagkacondo si sir adam, doon na siya nag s-stay kasi malapit lang sa kompanya nila. Kung dito siya uuwi siguro halos isang oras din ang byahe niya kasama na ang traffic dun.” Paliwanag ni valerie


“Talaga? Nakaka pagod naman kung ganun tapos siya pa nag mamaneho.” Totoo naman sabayan pa ng traffic.


“Ayy concern yan girl?” tukso na naman niya sa'kin.


“Ayan ka na naman val, tigil-tigilan mo 'ko baka may makarinig sa'yo.” Palagi nalang niya akong inaasar kapag si sir adam ang usapan. Ewan ko ba sa kanya.


“Alam mo baka kaya dito na umuuwi si sir adam kasi gusto ka niyang makita sandra. Yayks!” aba't kinikilig pa.


“Huy pasmado ang bibig mo! Kung ano-anong sinasabi mo diyan.” Sabay irap sa kanya.


“Sus kunwari ka pa! Hindi mo ba na papansin, tuwing may kausap kang ibang lalake biglang susulpot si sir tapos tuwing uwi niya galing trabaho, tinatanong niya kung saan ka daw. Omg girl! Baka…”


“Baka ano?” pang hahamon ko sa kanya.


“Baka may gusto sa'yo sir adam. Naku pag nagkataon swerte mo sandra! Single pa naman si sir!” ngumiti siya ng pagka lawak-lawak.


Single siya? Confirm!


“Ano ka ba. Malabo yang iniisip mo. Hindi yan totoo at hindi yan mangyayari.” Sabi ko kaya biglang napawi ang ngiti niya.


Ayaw kong mag assume sa sinasabi niya dahil napakalabong mangyari na magkaka gusto si sir adam sakin. Lalo pa sa isang katulad ko na hindi naman kagaya nila ng estado sa buhay. Malabo talaga.


“Sandra pinapatawag ka sa office library ni sir mateo.” Tawag ni venice sa'kin.


“Bakit daw?” tanong ko.


“Ewan ko.” Sabay kibit ng balikat niya. “ Puntahan mo nalang doon sa itaas.”


Iniwan ko ang paglilinis ko sa sala at nagpaalam muna saglit kay valerie para pumunta na sa office library ni sir.


Kumatok ako ng tatlong beses. Saka ko narinig ang boses ni sir mateo at pinapasok ako. Nung nasa loob na ako nakita ko si sir mateo na nakaupo sa swivel chair niya at si ma'am zenaida at si… sir adam?. Nakaupo naman sila sa harap na upuan sa lamesa ni sir mateo. Ba’t siya nandito akala ko umalis na siya sa trabaho niya kanina.


“Pinapatawag niyo daw po daw ako sir?” sabi ko nang makalapit sa inuupuan nila.


“Oo sanrda. May gusto lang kaming sabihin sayo tungkol sa trabaho mo.” Sagot ni sir mateo.


Waves Of LoveWhere stories live. Discover now