29

635 14 0
                                    


Hindi ko na alam kung anong oras na, hula ko siguro maghahating gabi na. Mas lalo na kasing dumami ang tao sa loob ng club at masyado ng maingay. Medyo lasing na rin ako dahil kanina pa nila ako ina-abutan ng alak. Kahit naka-upo lang ako ramdam ko na ang epekto nito.


“Okay ka pa sandra?... Lasing ka na ata eh!” Natatawang si lynne na halatang lasing narin.


“Okay pa ako no! Ikaw lang hindi!” Sabay tulak sa kanya pero mahina lang dahil wala na akong lakas.


Medyo nahihilo na ako, tumingin ako sa palagid ko at lahat ay nagsasaya, may nag-iinuman at lasing na, may sumasayaw, ang iba naman naghahalikan na sa gilid.


“Lets go sandra! Sayaw na tayoooo!” Paghihila sa akin ni grace na halatang lasing narin.


“Ayoko… kayo nalang. Nahihilo na ako…”


“Kaya nga sasayaw tayo para mawala ang kalasingan mo!”


Hindi na ako pumalag at nagpati-anod nalang papuntang dancefloor. Pa gewang-gewang na rin akong maglakad may nababangga pa ako at kamuntikan pang matumba, mabuti nalang hawak-hawak ako nila lynne at grace.


Pumwesto kami bandang gitna ng dancefloor. Hindi ako sumasayaw pag nag c-club ako, ngayon lang dahil nadadala na ako sa epekto ng alak. Napapagiling ako at napapasabay sa tutog ng dj.


Maya-maya pa naramdaman kong may kamay na kumapit sa aking bewang kaya napatingin ako kung sino ‘yon at isang hindi ko kilalang lalake ito. Kahit madilim na aaninag ko ang mukha niya.


“Having fun?” sabi niya at mas lumapit pa sa akin.


“Yeah…” sagot ko sa kanya.


“Ngayon lang kita nakita dito.” Bulong niya sa tenga ko.


“Malamang ngayon lang ako nakapunta dito eh! Kaya ngayon mo lang ako nakita…” ngumisi ako.


Natawa lang siya sa sinagot ko kahit medyo bastos at sarkastiko. Gwapo siya, matangkad at halatang may ibang lahi at hindi purong pinoy. Mas lumapit siya sa akin at pinalupot ang mga kamay sa bewang ko.


Ngumiti ako sa kanya at pinalupot din ang ang mga kamay ko sa leeg niya habang nagsasayawan kaming dalawa. Wala na akong pakialam sa ginagawa ko at sa paligid ko. Sina grace, may ibang kasayawan na rin.


Sobrang lapit na naming dalawa nung lalake, nakatitig ito sa akin at napapakagat sa kanyang labi. Na aamoy ko na rin ang amoy alak niyang hininga.


Halos matumba na ako sa pagsasayaw nang biglang may humila ng marahan sa kamay ko at nilayo ako doon sa lalakeng kasayawan ko. Nilingon ko ito at nakita ko si adam, matalim na nakatingin sa akin at umiigting ang mga panga.


“Lets go home, woman.” May diin sa boses nito.


“Bakit ka nandito?!” Winakli ko ang kamay ko na hawak niya.


Nakita ko ang mukha niya na nagpipigil ng galit saka tumingin sa lalakeng kasayawan ko na ngayon ay bakas ang kalituhan sa mukha. Matalim na tiningnan ni adam ang lalake at maya-maya pa umalis din ang ito kahit wala pang mang sinasabi si daam.


“Ba't mo siya pinaalis?! Sumasayaw pa kami eh!” reklamo mo sa kanya. Lasing na talaga ako.


“You don’t know what you’re doing anymore. Lets go.”


Wala na akong nagawa nang bigla niyang pinalupot niya ang kanyang braso sa bewang ko at inalalayan akong maglakad paalis ng dancefloor. Hinanap niya pa ang table namin at kinuha ang bag ko saka nagpaalam sa mga kasamahan.


Waves Of LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz