CHAPTER 1

239 11 0
                                    

Chapter 1

YESHIVA P.O.V

"Hoy baklang tao na feeling lahat lahat talaga ng babae ay nagkakagusto sa kan'ya,anong akala mo sa sarili mo? Magnet para dikitan ng kahit na sinong babae? Mahiya ka naman sana! Hindi ako katulad nila noh. At Isa pa aksidente lang na natapilok ako at nakadikit sa likuran mo!" sigaw ko sa punyetang lalaki. S'ya si Xyron, kapatid ng best friend ko na si Xyza.

"HAHAHAHA ako bakla? Hoy karin babaeng linta! Sa kagwapuhan kong 'to iisipin mong bakla ako? Baka nagwa-gwapuhan karin sa akin katulad ng iba. Sabagay ganyan naman talaga ang mga babaeng nahihiyang aminin na may gusto sila sa akin." sagot nito habang sinuklay ang punyetang buhok nya at nag wink pa. Kadiri talaga masyadong mataas ang tingin sa sarili!

"Hoy, tumigil ka sa mga imaginations mo! Kung gusto ka nila sila lang at ibahin moko sa kanila hindi lahat ng babae magkakapareho,at isa pa,hindi ako linta!" sigaw ko ulit dito. Nanggigil na talaga ako sa punyetang lalaking na yan masyadong hambog at masyadong malawak ang imahinasyon ang taas pa nang tingin n'ya sa sarili akala mo naman kung sino.

"Hahayst. Sge lang ipagpatuloy mo lang yang mga sinasabi mo. At Isa pa wala naman akong pake sayo hindi ka naman kasing ganda ng ibang babae d'yan. I mean,hindi ka pala maganda." huling sabi nito bago umalis. Gago ba s'ya? Ang assuming n'ya talaga jusko! Sana naman kunin ni lord ang mukha n'ya or s'ya nalang talaga ang kunin ni lord dahil nakaka-irita s'ya.

"Hayst beb sorry talaga about sa kapatid kong 'yon ha? Talagang feeler 'yong si kuya eh," sabi naman ni Xyza at hinagod pa ang likuran ko.

"Isa ka pa! Kung hindi lang dahil sa pagmamadali mo sa Lucas na iyon edi hindi sana ako masangkot sa ka-feelingan ng Kuya mo ngayon!" sigaw ko at nagmartsa palayo rito. Tumawa lang ito at sumunod sa akin.

By the way,I'm Yeshiva Lan panganay na anak nina Mama Lor at Papa Ryu. Pero nakatira lang ako sa Lola at Lolo ko kasama ang Tita ko.

Best friend ko naman si Xyza Dark kapatid nung lalaki na punyetang bakla na si Xyron Dark. Sila ang may-ari ng school namin ang Naobil High School. Kakamatay lang ng daddy nila at naninirahan nalang silang dalawa ngayon kasama ang yaya nila pero minsan binibisita rin naman sila ng lolo n'ya.

~beep beep~

Napatingin naman ako sa cellphone ko ng biglang may nag text.

09*********
[Hindi pa tayo tapos linta. Pasalamat ka nandoon 'yong kapatid ko.]

Tumaas naman ang kilay ko. Anong klaseng tao 'to?Pano n'ya nakuha ang number ko? Alam kong si bakla 'to. Maka-linta naman toh wagas kala mo hindi kamukha 'yong linta.

And what? Hindi tapos? Inaano ko ba sya? Parang 'yon lang? aksidenteng natapilok ako at nakadikit sa likuran nya kasabay ng pagdikit ng dala kong cake na para kay Lucas ni Xyza? Wala na naman ba s'yang mahanap na pagti-tripan kaya ngayon ako na naman itong ginagambala n'ya?

Inis akong umupo. Ang lakas talaga ng sapak sa utak no'ng lalaki na 'yok eh.

XYRON POV,

"Brad sure ka ba na gagawin mong target 'yong kaibigan ni Xyza?" tanong ni Elmer,kaibigan ko.

"Tsk,anong akala mo sa akin? 'Wag nyang sabihin na aayaw s'ya sa akin. Pero sigurado naman akong hindi 'yon aayaw,'yong grasya nanga lumalapit aayawan nya pa," sagot ko rito sabay smirk.

"HAHAHA sigurado ka bang may gusto sya sayo?" tanong ni Mavy,isa rin sa kaibigan ko.

"Tss,syempre naman. Naalala nyo nung sumama sya kay Xyza sa bahay? Tapos nung makita nya ako hindi sya mapakali? At namumula pa sya HAHAHAHA," mayabang na sabi ko.

PRETENDING TO BE A BADBOY'S GIRLFRIEND (UNDER REVISION) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ