CHAPTER 5

86 4 0
                                    

YESHIVA'S P.O.V,

GRABI talaga ang pag-ibig ano? Kahit na halatang-halata na ang pagiging red flag ni Heroiza dahil sa ka pangitan ng ugali ay gustong-gusto parin s'ya ni Xyron. Wala ba s'yang standards na maliban sa maganda ang hitsura eh maganda rin pati ugali? Tama nga sila,in this generation pretty looks will always win and to those who only has a ugly looks in their eyes but has a good heart will surely lose.

Naalala ko nga ulit ang first encounter namin ni Heroiza sa bar at mga coincidence ba na harapan namin or talagang sinasadya ni tadhana 'yon at siguro lahat 'yon ay nagpipigil ako ng sarili na sapakin s'ya eh.

[FLASHBACK]

First encounter.

Napanguso naman akong nakatingin kay Josh na feeling close. Nasa bar kasi ako ngayon kasama ko sina Xyron at mga bestfriend n'ya. Nandito rin sina Avril at Macy,wala si Xyza dahil marami raw syang gagawin at babawi lang daw s'ya next time.

Tinaasan ko naman ng kilay si Josh nung may ininguso s'ya sa aking likuran. Napalingon naman ako at ito na nga,Heroiza is here. Papalapit s'ya sa gawi namin.

Tinignan ko naman si Xyron na ngayon ay naka-akbay sa akin,pilit kong inaalis ang kamay n'ya kaso hindi n'ya inaalis kaya naman hinayaan ko nalang. Sumandal nalang din ako sa upuan.

“Hi Heroiza,” ngiting bati ni Josh.

“Oh, hello Josh long time no see,” nakangiting bati rin nito.

“Yeah. You look stunning huh.” puri ni Josh dito.

“As usual haha. Hi Mav,Hi El.” bati n'ya kina Mavy at Elmer. Binati rin sya pabalik nina Mavy with matching smile. Argh,ang gwapo ni Mavy kahit disco light lang ang umiilaw eh kita parin ang kapogihan ni Mavy.

“And oh,hi Xyron,” bati n'ya kay Xyron at nakipag-kamay dito tinignan n'ya naman ako,ng matalim. 

“Oh, I remember you.” naka-cross na brasong sabi pa nito at tila may inaalala. At syempre papatalo ba ako? So nag-cross din ako ng braso.

“I remember you too.” seryusong sabi ko.

“Huh-gosh. Hindi ko alam na nagbago na pala yung taste mo ngayon Xy.” sabi pa nito kay Xyron at nandidiring tumingin sa akin.

“Hindi ka parin nagbago Heroiza.” iling-iling na sabi ni Xyron at tumungga ng beer.

“Tsk, oh by the way...what's your name?,” baling nito sa akin.

“Ba't mo tinatanong?,”

“Bawal ba? Oh I mean..never mind. By the way Xyron don't like girls who's just wearing long sleeve turtleneck and a high waist shorts.” natawa naman ako sa sinabi n'ya. Si Xyron nga 'yong pumili nito eh psh.

“Why are you laughing?” parang naiiritang tanong nito.

“Diretsohin mo nalang kaya ako,”nakangising sabi ko. Alam n'ya naman siguro ang ibig kong sabihin. Mamalinis pa eh halata namang alam na rin ni Xyron ang baho n'ya. Akala ko rin ba mabait ito para kay Xyron? Bakit nalaman ko na naman na medyo may alam s'ya tungkol sa baho nitong Heroiza? Mga tao nga naman,kahit kailang ang hirap talaga intindihin.

“Oh haha is that so? yeah I mean you should wear descent attire here in the bar. Because you look like a kid in that attire,it doesn't suit in this bar.” tawang sabi nito. Tumawa rin sila except Macy at Avril na naka-sandal lang sa kanilang inuupuan habang tumutungga ng beer at nakikinig lang.

Akala ko ba lahat ng mga ganitong klaseng babae kung mag-salita ay hindi ka na hahayaang makasagot at iiwan kang nakatunganga sa kanila at mapapahiya? Pero bakit parang hindi naman ako ang lugi rito ngayon?

PRETENDING TO BE A BADBOY'S GIRLFRIEND (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now