CHAPTER 4.1

100 5 0
                                    

Chapter 4.1

YESHIVA'S P.O.V

“SINO ka?ha?!”sigaw noong lalaki at tumayo. Hinila naman ako palapit ni Xyron sa kan'ya. Napalunok naman ako dahil sa sobrang dikit namin.

“You? Who are you? How dare you touch my girl.”tumatagis bagang sabi ni Xyron. Napalunok naman ako. Bakit kakaiba ang epekto sa akin noong sabihin n'yang ‘my girl’? Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag nangyari sa totoong buhay mo 'yong mga nakikita ko sa mga teleserye. Pero wala naman 'to sa teleserye eh.

“Siya po 'yon.” napatingin naman ako sa tabi ko. Si Chika,may kasama itong dalawang bouncer. At pinilit na pina-palabas 'yong panget na lalaki. “Okay ka lang ba Yeshi?”nag-aalalang tanong nito. Tumango naman ako.

“Okay lang,ikaw? Mag ingat ka palagi ha? May iba pang lalaking ganoon kaya mag-ingat ka.”nakangiting sabi ko rito. Ngumiti naman ito pabalik at tumango.

“Let's go.” seryusong sabi ni Xyron at hinila na ako. Kumaway naman ako kay Chika at ganoon din s'ya hanggang sa nakalabas na nga kami sa bar. Binitawan naman ni Xyron ang kamay ko.

“Bakit kasi pumunta ka doon? Pina-order lang naman kita ah?” galit na sabi nito.

“Tinulungan ko si Chika dahil pinipilit s'ya ng manyak na lalaking 'yon na tumabi sa kan'ya. Alangan namang hahayaan ko nalang si Chika.”inis na sabi ko. Nag-iinit parin talaga ang dugo ko sa manyak na 'yon eh.

“Tsk. Stop acting like a hero,linta. You're a girl too,ilagay mo 'yan sa kukote mo.” sabi pa nito at dinuro ang noo ko.

“Eh nakaka-inis ang manyak na 'yon eh,kailangan kong tulungan si Chika.”

“Yes I know,but think linta,you're a girl too,oh tignan mo nangyari kanina? 'di ba ikaw na naman 'yong binastos no'ng lalaking 'yon.” irap na sabi n'ya. Ngumiwi naman ako. Kailangan parin naman ni Chika ng tulong. I don't care if i lost my life helping others kaysa titignan lang silang saktan o bastosin ng ganoong tao tapos kapag may nangyari sa kanila? Hanggang kamatayan babaonin ko parin ang guilt na nararamdaman ko?

Nasa bahay na nga ako ngayon at ginagawa ang konting assignments namin. Salamat na nga at konti lang itong assignment namin eh kasi ang Xyron na 'yon bigla nalang mag-aaya na pupunta doon tapos sasamahin pa ako gagawin lang n'yang maid tangina n'ya talaga,kasama ba 'to sa usapan namin? Akala ko ba magpapanggap lang na girlfriend n'ya?bakit parang alipin na n'ya ako?

Umiling nalang ako at tinuloy ang ginagawa. Buti nga at hindi ako pinagalitan nina lola,nakakapag-sinungaling pa naman ako sa kanila dahil lang sa kalokohan ni Xyron na 'yon.

KINABUKASAN

“Hoy nabalitaan mo ba na may kaaway na naman sina Avril at Macy?”bungad ni Xyza sa akin noong makarating ako sa classroom. Bumuntong hininga naman ako.

“Wala namang pinagbago 'yang dalawang 'yan eh.”sabi ko at umupo na sa tabi nito. Araw-araw naman ata talagang may kaaway ang dalawang 'yon. Hindi ko alam talaga bakit ang hilig din nilang maghanap ng gulo.

“Hayst kahit kailan talaga 'yong mga bestie natin,hindi nawawalan ng kaaway.”iling-iling na sabi nito.

“Kamusta sila? Hindi naman kaya namatay?” biro ko pa. Umiling naman ito at sumandal sa silya n'ya habang naka cross ang mga braso.

“Buti nga at hindi naman pero nag-aalala parin talaga ako sa dalawang iyon eh.”halata sa boses nito ang pag-aalala. Kahit ako nag-aalala parin talaga ako sa kanilang dalawa. Hanggang kailan ba sila gan'yan? Kailan ba matatapos ang pakikipag-basag ulo nila? Hindi ba sila napapagod d'yan? Buti nga minsan lang sila nakakakita ng away sa campus nila pero sa labas nga ng campus ayon palong-palo naman. Nagpapa-salamat nga ako dahil isang beses pa lang silang na guidance pero natatakot din ako dahil sa labas ng campus ay marami silang kaaway ano nalang kayang gagawin namin kung sakali mang may masamang mangyari sa kanila? Argh!

PRETENDING TO BE A BADBOY'S GIRLFRIEND (UNDER REVISION) Where stories live. Discover now